Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 18
  • Pumunta si Jacob sa Haran

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pumunta si Jacob sa Haran
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Pinahalagahan ni Jacob ang Espirituwal na mga Simulain
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Laban
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Raquel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Miserableng Magkapatid na “Nagtayo ng Sambahayan ni Israel”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 18

KUWENTO 18

Pumunta si Jacob sa Haran

KILALA mo ba ang mga lalaking ito na kausap ni Jacob? Pagkatapos maglakbay ng maraming araw, nasalubong sila ni Jacob sa tabi ng isang balon. Nagtanong siya: ‘Taga saan kayo?’

‘Taga-Haran,’ sabi nila.

‘Kilala ba ninyo si Laban?’ tanong ni Jacob.

‘Oo,’ sagot nila. ‘O, dumarating na ang anak niyang si Rachel, kasama ang kaniyang mga tupa.’ Nakikita mo ba siya sa larawan?

Binuksan ni Jacob ang balon para makainom ang mga tupa ni Laban. Pagkatapos ay hinalikan niya si Rachel at nagpakilala siya. Hindi mapalagay si Rachel, kaya sinabi niya ito sa tatay niya.

Pumayag si Laban na tumira si Jacob sa kanila. At pinayagan din niya si Jacob na pakasalan si Rachel. Pero, hiniling muna niya na magtrabaho si Jacob nang pitong taon para kay Rachel. Nang dumating na ang araw ng kasal, alam mo ba kung ano ang nangyari?

Ibinigay ni Laban ang panganay niyang anak na si Lea para maging asawa ni Jacob! Napilitan si Jacob na magtrabaho ng pitong taon pa, kaya ibinigay na rin ni Laban si Rachel. Noong araw ay pinayagan ng Diyos ang mga lalaki na magkaroon ng higit sa isang asawa. Pero ngayon ang isang lalaki ay dapat na may isa lamang asawa.

Genesis 29:1-30.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share