Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 28
  • Ang Pagkaligtas ng Sanggol na si Moises

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pagkaligtas ng Sanggol na si Moises
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Pinili ni Moises na Sambahin si Jehova
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • “Umawit kay Jehova”!
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • Isang Bagay na Nakahihigit Kaysa sa mga Kayamanan ng Ehipto
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Miriam
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 28

KUWENTO 28

Ang Pagkaligtas ng Sanggol na si Moises

TINGNAN mo ang batang umiiyak, na nakahawak sa daliri ng babae. Ito’y si Moises. Alam mo ba kung sino ang magandang babae? Siya ay prinsesa, ang sariling anak ni Paraon.

Si Moises ay tatlong buwang itinago ng kaniyang nanay, kasi ayaw niyang mapatay ito ng mga Ehipsiyo. Pero alam niya na baka rin ito makita, kaya inilagay si Moises sa isang basket, at itinago ang basket sa matataas na damo sa tabi ng Ilog Nilo. Si Miriam na kapatid ni Moises ay inutusan na tingnan kung ano ang mangyayari.

Di nagtagal dumating ang anak ni Paraon para maligo sa Ilog. Bigla niyang nakita ang basket. Ipinakuha niya ang basket sa isa sa kaniyang mga alilang babae. Binuksan niya ito at nakita na napakaganda ng batang si Moises. Naawa ang prinsesa kay Moises, at ayaw niya itong mapatay.

Pagkatapos ay lumapit si Miriam. Hayan siya sa larawan. Sinabi niya: ‘Tatawag po ba ako ng isang Israelita na mag-aalaga ng sanggol para sa inyo?’

‘O sige,’ sabi ng prinsesa.

Agad tumakbo si Miriam sa nanay niya at isinama ito sa prinsesa. Sinabi ng prinsesa: ‘Kunin mo ang sanggol na ito at alagaan mo siya para sa akin, at babayaran kita.’

Kaya inalagaan si Moises ng sarili niyang ina. Pagkatapos ay dinala siya nito sa anak ni Paraon, na umampon naman sa kaniya bilang tunay na anak. Kaya lumaki si Moises sa bahay ni Paraon.

Exodo 2:1-10.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share