Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 31
  • Humarap kay Paraon Sina Moises at Aaron

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Humarap kay Paraon Sina Moises at Aaron
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Unang Tatlong Salot
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Moises at Aaron—Malalakas ang Loob na Tagapaghayag ng Salita ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Ang Sumunod na Anim na Salot
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Sino Si Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 31

KUWENTO 31

Humarap kay Paraon Sina Moises at Aaron

PAGBALIK ni Moises sa Ehipto, ikinuwento niya ang mga himala kay Aaron. Nang maghimala sina Moises at Aaron sa harap ng mga Israelita, lahat ay naniwala na si Jehova ay sumasakanila.

Kaya humarap kay Paraon sina Moises at Aaron. Sinabi nila sa kaniya na gusto ni Jehovang umalis ang mga Israelita sa Ehipto nang tatlong araw para sambahin siya sa ilang. Pero sinabi ni Paraon: ‘Hindi ako naniniwala kay Jehova. At hindi ko paaalisin ang Israel.’

Lalong pinabigat ni Paraon ang trabaho nila kasi gusto nilang magbakasyon para maglingkod kay Jehova. Sinisi ng mga Israelita si Moises dahil dito kaya nalungkot siya. Pero sinabi sa kaniya ni Jehova: ‘Uutusan ko si Paraon para payagan kayo.’

Humarap uli kay Paraon sina Moises at Aaron. Ngayon ay naghimala sila. Inihagis ni Aaron ang tungkod niya, at ito ay naging isang malaking ahas. Pero inihagis ng mga salamangkero ni Paraon ang kanilang mga tungkod, at naging mga ahas din. Pero tingnan mo! Kinain ng ahas ni Aaron ang ibang mga ahas. Ayaw pa ring paalisin ni Paraon ang mga Israelita.

Tuturuan ni Jehova ng leksiyon si Paraon. Alam mo ba kung paano? Nagpadala siya ng 10 salot, o mga sakuna, sa Ehipto.

Pagkaraan ng ilang salot, ay sinabi ni Paraon. ‘Ihinto na ninyo ang salot at paaalisin ko na ang Israel.’ Pag huminto na ang salot, magbabago naman ang isip niya. Pero pagkaraan ng ika-10 salot, pinaalis na rin ni Paraon ang mga Israelita.

Alam mo ba kung anu-ano ang 10 salot? Buksan mo sa susunod na pahina at alamin natin ito.

Exodo 4:27-31; 5:1-23; 6:1-13, 26-30; 7:1-13.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share