Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 60
  • Si Abigail at si David

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Si Abigail at si David
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Kumilos Siya Nang May Kaunawaan
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • Kumilos Siya Nang May Kaunawaan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Nabal
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • “Pagpalain ang Iyong Katinuan”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 60

KUWENTO 60

Si Abigail at si David

KILALA mo ba ang magandang babae na sumasalubong kay David? Ang pangalan niya ay si Abigail. Matalino siya, at pinigilan niya si David sa paggawa ng masama. Bago natin alamin ito, tingnan natin kung ano ang nangyayari kay David.

Pagkatapos na tumakas si David mula kay Saul, nagtago siya sa isang kuweba. Sinamahan siya doon ng mga kapatid niya at ng iba pang mga kasambahay niya. Di nagtagal at si David ay naging lider ng 400 tao na sumama sa kaniya. Dinala ni David sa Moab ang kaniyang tatay at nanay sapagka’t ligtas sila doon. Pagkatapos, siya at ang kaniyang mga tauhan ay nagtago sa mga burol.

Pagkaraan nito ay nakilala ni David si Abigail. Si Nabal na asawa nito ay mayaman at maraming lupa. Malupit si Nabal. Pero ang maganda niyang asawang si Abigail ay mabait. Minsan ay iniligtas pa nga niya ang kaniyang pamilya. Tingnan natin kung papaano ito nangyari.

Si David at ang kaniyang mga tauhan ay naging mabait kay Nabal. Ipinagtanggol nila ang kaniyang mga tupa. Kaya isang araw, pinapunta ni David ang ilang tauhan niya para makiusap kay Nabal. Sinabi nila: ‘Naging mabait kami sa iyo. Hindi namin ninakaw ang alinman sa iyong tupa, kundi tinulungan ka pa sa pagbabantay nito. Kaya, pakisuyo, bigyan mo kami ng konting pagkain.’

Tumanggi si Nabal. Pinagsalitaan niya ng masama si David. Nang mabalitaan ito ni David, galit-na-galit siya. ‘Isakbat n’yo ang inyong tabak!’ sabi niya sa mga tauhan niya. At pinuntahan nila si Nabal at ang mga tauhan niya para patayin sila.

Isa sa mga tauhan ni Nabal ang nagsumbong kay Abigail tungkol sa ginawa ni Nabal. Agad naghanda si Abigail ng pagkain. Ikinarga niya ito sa ilang mga asno at umalis. Nang masalubong niya si David, nanaog siya sa asno, yumuko at nagsabi: ‘Pakisuyo, ginoo, huwag mong pansinin ang asawa ako. Eto ang regalo. Kunin ninyo ito at patawarin na kami sa nangyari.’

‘Matalino kang babae,’ sagot ni David. ‘Pinigil mo ako sa pagpatay kay Nabal at pagganti sa kaniyang kalupitan. Umuwi kang payapa.’ Di nagtagal, nang mamatay si Nabal, si Abigail ay naging isa sa mga asawa ni David.

1 Samuel 22:1-4; 25:1-43.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share