Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 62
  • Gulo sa Pamilya ni David

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gulo sa Pamilya ni David
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Kasalanan ni Haring David
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Aklat ng Bibliya Bilang 10—2 Samuel
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Bat-sheba
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Manalig sa Espiritu ng Diyos sa Pagharap sa mga Pagbabago sa Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 62

KUWENTO 62

Gulo sa Pamilya ni David

NANG magsimula nang maghari si David sa Jerusalem, binigyan ni Jehova ang kaniyang hukbo ng maraming tagumpay. Sa wakas, sa tulong ni Jehova, ay kanilang inari ang buong lupain na ipinangako sa kanila.

Mabuting hari si David. Mahal siya ni Jehova. Kaya ang isa sa mga una niyang ginawa pagkatapos na masakop ang Jerusalem ay ang dalhin doon ang kaban ng tipan ni Jehova.

Nang matanda na si David siya ay nakagawa ng mabigat na kasalanan. Alam niya na masamang kumuha ng hindi kaniya. Pero isang gabi, nakakita siya ng napakagandang babae, si Batseba, at si Urias na asawa nito ay sundalo niya.

Gustung-gusto ni David si Batseba, kaya pinapunta niya ito sa kaniyang palasyo. Nasa digmaan ang asawa nito. Pagkatapos ay nagmahalan sila ni David, at hindi nagtagal nalaman niya na siya pala ay magkakaanak. Alalang-alala si David, kaya nag-utos siya sa hepe ng kaniyang hukbo na si Joab na ipadala si Urias sa unahan ng labanan para ito mapatay. Nang mamatay si Urias, pinakasalan ni David si Batseba.

Galit-na-galit si Jehova kay David. Pinapunta niya ang kaniyang lingkod na si Natan para sabihin kay David ang mga kasalanan nito. Nakikita mo rito si Natan na nakikipag-usap kay David. Lungkot-na-lungkot si David sa nagawa niya, kaya hindi siya pinatay ni Jehova. Pero sinabi ni Jehova: ‘Dahil ginawa mo ang masamang bagay na ito, magiging magulo ang iyong pamilya.’ At kayrami ngang gulo ang dumating kay David!

Una, namatay ang anak ni Batseba. Pagkatapos ay pinatay ng anak ni David na si Absalom ang kapatid niyang si Amnon, kasi pinilit ni Amnon na mahalin siya ng kapatid nilang si Tamar. Pagkatapos ay ginawa ni Absalom ang kaniyang sarili na hari. Kinailangan ni David na makipaglaban kay Absalom, at ito ay napatay.

Nang panahong ito, si Batseba ay nagsilang ng anak na lalaki na nagngangalang Solomon. Nang matanda na si David at maysakit, sinikap ng anak niyang si Adonias na maging hari. Pero, si Solomon ang pinahiran ni David upang maghari. Hindi nagtagal, namatay si David sa edad na 70 taon. Naghari siya nang 40 taon. Ngayon si Solomon ang hari sa Israel.

2 Samuel 11:1-27; 12:1-18; 1 Hari 1:1-48.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share