Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 73
  • Ang Huling Mabait na Hari sa Israel

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Huling Mabait na Hari sa Israel
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Mahal ni Josias ang Kautusan ng Diyos
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • May Mabubuting Kaibigan si Josias
    Turuan ang Iyong mga Anak
  • Ang Mapagpakumbabang si Josias ay Nagkamit ng Pagsang-ayon ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Pinili ni Josias na Gawin ang Tama
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 73

KUWENTO 73

Ang Huling Mabait na Hari sa Israel

WAWALONG taon si Josias nang maghari sa dalawang tribo ng Israel sa timog. Batangbata siya. Kaya sa simula siya ay tinulungan ng mas matatandang lalaki na maghari.

Nang pitong taon nang naghahari si Josias sinimulan niyang hanapin si Jehova. Sinunod niya ang halimbawa ng mabubuting hari na gaya nina David, Josapat at Ezekias. Nang tin-edyer pa lamang siya, si Josias ay nagpakita na ng katapangan.

Madalas ang mga Israelita ay gumagawa ng masama. Sumasamba sila sa mga diyus-diyosan. Kaya lumabas si Josias at ang ilang tauhan niya para alisin ang huwad na pagsamba sa lupain. Makikita mo rito sina Josias habang binabasag nila ang mga idolo.

Pagkatapos, nag-atas si Josias ng tatlong lalaki para kumpunihin ang templo ni Jehova. Humingi sila ng abuloy na salapi mula sa bayan para sa pagpapatrabaho. Samantalang gumagawa sa templo, ang mataas na saserdoteng si Hilcias ay may natagpuang isang bagay na napakahalaga. Ito mismo ang aklat ng kautusan na ipinasulat ni Jehova kay Moises matagal-na-matagal nang panahon ang nakalilipas. Maraming taon na itong nawawala.

Hiniling ni Josias na ang aklat ay basahin sa kaniya. Habang nakikinig siya nakita niya na ang bayan ay hindi sumunod sa utos ni Jehova. Lungkot-na-lungkot siya dahil dito, kaya pinagpupunit niya ang kaniyang damit, gaya ng makikita mo rito.

Sinabi ni Josias kay Hilcias na alamin kung ano ang gagawin sa kanila ni Jehova. Lumapit si Hilcias sa babaeng nagngangalang Hulda, isang propetisa. Sinabi sa kaniya nito: ‘Ang Jerusalem at ang buong bayan ay parurusahan dahil sila ay sumamba sa mga diyus-diyosan. Pero hindi mangyayari ito hanggang nabubuhay pa si Josias, sapagka’t siya ay gumawa nang mabuti.’

2 Cronica 34:1-28.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share