Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 90
  • Kasama ng Babae sa Tabi ng Balon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kasama ng Babae sa Tabi ng Balon
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Babae sa Tabi ng Balon
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Pagtuturo sa Isang Babaing Samaritana
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Pagtuturo sa Isang Samaritana
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Pagtuturo sa Isang Babaing Samaritana
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 90

KUWENTO 90

Kasama ng Babae sa Tabi ng Balon

NAGPAHINGA si Jesus sa tabi ng isang balon sa Samaria. Nagpunta sa bayan ang kaniyang mga alagad para bumili ng pagkain. Ang babaeng kausap ni Jesus ay umiigib ng tubig. Nakiinom siya.

Karamihan ng mga Hudiyo ay galit sa mga Samaritano. Kaya nagtaka ang babae nang makipag-usap sa kaniya si Jesus. Pero mahal ni Jesus ang lahat ng klase ng tao. Sinabi niya: ‘Kung kilala mo ang nakikiinom sa iyo, hihingi ka sa kaniya at bibigyan ka niya ng tubig na nagbibigay-buhay.’

‘Ginoo,’ sabi ng babae, ‘wala ka namang timba at malalim ang balon. Saan mo kukunin ang tubig na nagbibigay-buhay?’

Sinabi ni Jesus: ‘Kung iinom ka ng tubig sa balong ito, mauuhaw ka uli. Pero mayroon akong tubig na magbibigay ng buhay na walang-hanggan.’

‘Ginoo,’ sabi ng babae, ‘bigyan mo ako ng tubig na ito! Sa gayon, hindi na ako paparito para umigib.’

Akala ng babae tunay na tubig ang tinutukoy ni Jesus. Pero iyon ay ang katotohanan tungkol sa Diyos at sa kaniyang kaharian. Ang katotohanang ito ay parang tubig na nagbibigay-buhay.

Kaya sinabi ni Jesus sa babae: ‘Sunduin mo ang asawa mo.’

‘Wala akong asawa,’ sagot niya.

‘Totoo iyan,’ sabi ni Jesus. ‘Pero lima na ang naging asawa mo. At ang lalaking kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa.’

Nagtaka ang babae, kasi totoo ito. Alam ni Jesus ang lahat ng ito kasi siya ang Isang Ipinangako ng Diyos na kaniyang susuguin. Ibinigay ng Diyos sa kaniya ang impormasyong ito. Nakabalik na ang mga alagad ni Jesus, at nagulat sila nang makita si Jesus na nakikipag-usap sa isang babaeng Samaritana.

Mula dito ay makikita natin na si Jesus ay mabait sa lahat ng uri ng tao. Dapat ganoon din tayo. Gusto ni Jesus na lahat ay makakilala sa katotohanan na umaakay sa buhay na walang-hanggan. Tayo ay dapat ding magnais na tumulong sa iba para sila matuto ng katotohanan.

Juan 4:5-43; 17:3.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share