Awit 128
Gumawa ng Higit Pa—Gaya ng mga Nazareo
1. Nazareo—Ganyan ba tayo?
Kaya ba nating tularan?
Nakalaan nga kay Jehova,
Sa pantanging paraan.
Suriin! At pakaisipin.
O malapit na ang araw.
Tayo ba’y lalong sisipag,
Lalak’san ang sigaw?
2. Nazareo—simple ang buhay,
Sarili ay tinanggihan.
Sa Diyos nga ay lalong malapit.
Tunguhin mo ba’y ganyan?
Tinanggap mga pagbabawal;
Dahil sa mayro’ng panata.
Marami ngayon sa atin
Ganyan ang ginawa.
3. Nazareo—mga pantangi.
Mayro’ng palatandaan pa.
At tunay na mapagpasakop;
Malapit kay Jehova.
Bilang mga katulong ng Diyos
Pananalig ay itanghal.
Tayo sana’y pagpalain
Ng Diyos nating mahal.
4. Nazareo—mga huwaran.
Nag-ingat ng kabanalan.
Tayo ma’y maging walang dungis,
Nang pagpapala’y kamtan.
Tayahin, sa Diyos tumiwala.
Lingkod niya’y kakalingain.
Gumawang may kahigitan,
Ligaya’y kakamtin.