Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • rq aralin 7 p. 14-15
  • Paglapit sa Diyos sa Panalangin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paglapit sa Diyos sa Panalangin
  • Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pribilehiyong Panalangin
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Lumapit sa Diyos sa Panalangin
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Maging Malapít sa Diyos sa Panalangin
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Kung Papaano Makakamit ang Tulong sa Panalangin
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
Iba Pa
Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
rq aralin 7 p. 14-15

Aralin 7

Paglapit sa Diyos sa Panalangin

Bakit mahalaga na manalangin nang palagian? (1)

Kanino tayo dapat manalangin, at papaano? (2, 3)

Anu-ano ang angkop na paksa sa panalangin? (4)

Kailan ka dapat manalangin? (5, 6)

Nakikinig ba ang Diyos sa lahat ng panalangin? (7)

1. Ang panalangin ay ang may-pagpapakumbabang pakikipag-usap sa Diyos. Dapat kang manalangin sa Diyos nang palagian. Sa gayon ay madarama mong napapalapit ka sa kaniya na tulad sa isang mahal na kaibigan. Si Jehova ay totoong dakila at makapangyarihan, gayunma’y nakikinig siya sa ating mga panalangin! Palagi ka bang nananalangin sa Diyos?​—Awit 65:2; 1 Tesalonica 5:17.

2. Ang panalangin ay bahagi ng ating pagsamba. Kaya nga, dapat tayong manalangin tanging sa Diyos lamang, kay Jehova. Nang si Jesus ay naririto sa lupa, palagi siyang nananalangin sa kaniyang Ama, hindi kung kani-kanino. Dapat na gayundin ang ating gawin. (Mateo 4:10; 6:9) Gayunman, ang ating mga panalangin ay dapat na sambitin sa pangalan ni Jesus. Ipinakikita nito na iginagalang natin ang posisyon ni Jesus at na may pananampalataya tayo sa kaniyang haing pantubos.​—Juan 14:6; 1 Juan 2:1, 2.

3. Kapag tayo’y nananalangin dapat na kausapin natin ang Diyos mula sa ating puso. Hindi natin dapat sambitin ang ating mga panalangin mula sa memorya o basahin ang mga ito mula sa aklat-dasalan. (Mateo 6:7, 8) Makapananalangin tayo sa anumang posisyong kagalang-galang, sa anumang panahon, at saanmang dako. Naririnig ng Diyos maging ang tahimik na mga panalanging sinasambit ng puso. (1 Samuel 1:12, 13) Makabubuti na humanap ng isang tahimik na dako na malayo sa ibang tao upang masambit ang ating personal na mga panalangin.​—Marcos 1:35.

4. Anu-anong paksa ang maaari mong ipanalangin? Anumang bagay na maaaring makaapekto sa iyong pakikipagkaibigan sa kaniya. (Filipos 4:6, 7) Ipinakikita ng modelong panalangin na dapat tayong manalangin ukol sa pangalan at layunin ni Jehova. Maaari rin nating hilingin na tayo’y paglaanan ng materyal na mga pangangailangan, patawarin sa ating mga kasalanan, at tulungan upang mapaglabanan ang tukso. (Mateo 6:9-13) Hindi dapat na maging mapag-imbot ang ating mga panalangin. Ang dapat lamang na ipanalangin natin ay yaong mga bagay na kasuwato ng kalooban ng Diyos.​—1 Juan 5:14.

5. Makapananalangin ka kailanma’t inuudyukan ka ng iyong puso na magpasalamat o pumuri sa Diyos. (1 Cronica 29:10-13) Dapat kang manalangin kapag ikaw ay may mga suliranin o kaya’y napapalagay sa pagsubok ang iyong pananampalataya. (Awit 55:22; 120:1) Angkop lamang na manalangin bago kumain. (Mateo 14:19) Inaanyayahan tayo ni Jehova na manalangin “sa bawat pagkakataon.”​—Efeso 6:18.

6. Lalo nang kailangan nating manalangin kapag tayo’y nakagawa ng malubhang pagkakasala. Sa gayong mga pagkakataon ay dapat nating ipakiusap ang awa at kapatawaran ni Jehova. Kung ating ipagtatapat sa kaniya ang ating mga kasalanan at pagsisikapang di na muling maulit ang mga iyon, ang Diyos ay “handang magpatawad.”​—Awit 86:5; Kawikaan 28:13.

7. Si Jehova ay nakikinig lamang doon sa mga panalangin ng matutuwid na tao. Upang dinggin ng Diyos ang iyong mga panalangin, dapat na nagsisikap kang mamuhay ayon sa kaniyang mga batas. (Kawikaan 15:29; 28:9) Dapat na maging mapagpakumbaba ka kapag ikaw ay nananalangin. (Lucas 18:9-14) Kailangan mong pagsikapang isagawa ang iyong ipinananalangin. Sa gayon ay pinatutunayan mong ikaw ay may pananampalataya at na talagang dinidibdib mo ang iyong sinasabi. Saka lamang sasagutin ni Jehova ang iyong mga panalangin.​—Hebreo 11:6.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share