Mga Paksa sa Bibliya na Mapag-Uusapan
(mula sa Bagong Sanlibutang Salin)
1. Armagedon
A. Digmaan ng Diyos na tatapos sa kabalakyutan
Ang mga bansa ay tinitipon sa Armagedon. Apo 16:14, 16
Makikipagdigma ang Diyos, gagamitin ang Anak at mga anghel. 2Te 1:6-9; Apo 19:11-16
Kung paano tayo makaliligtas. Zef 2:2, 3; Apo 7:14
B. Hindi labag sa pag-ibig ng Diyos
Sukdulan ang kasamaan ng sanlibutan. 2Ti 3:1-5
Matiisin ang Diyos, ngunit nangangailangan ng pagkilos ang katarungan. 2Pe 3:9, 15; Luc 18:7, 8
Dapat mawala ang mga balakyot upang sumagana ang matuwid. Kaw 21:18; Apo 11:18
2. Bautismo
A. Isang kahilingan sa mga Kristiyano
Si Jesus ay nagpakita ng halimbawa. Mat 3:13-15; Heb 10:7
Sagisag ng pagtatatwa o pag-aalay. Mat 16:24; 1Pe 3:21
Para lamang doon sa may sapat na gulang upang maturuan. Mat 28:19, 20; Gaw 2:41
Paglulubog sa tubig ang wastong paraan. Gaw 8:38, 39; Ju 3:23
B. Hindi hinuhugasan ang mga kasalanan
Si Jesus ay hindi binautismuhan upang hugasan ang mga kasalanan. 1Pe 2:22; 3:18
Dugo ni Jesus ang naghuhugas sa mga kasalanan. 1Ju 1:7
3. Bibliya
A. Ang Salita ng Diyos ay kinasihan
Pinakilos ng espiritu ng Diyos ang mga tao upang sumulat. 2Pe 1:20, 21
Naglalaman ng hula: Dan 8:5, 6, 20-22; Luc 21:5, 6, 20-22; Isa 45:1-4
Ang buong Bibliya ay kinasihan at kapaki-pakinabang. 2Ti 3:16, 17; Ro 15:4
B. Praktikal na giya para sa ating kaarawan
Ang pagwawalang-bahala sa mga simulain ng Bibliya ay nakamamatay. Ro 1:28-32
Ang karunungan ng tao ay hindi maaaring ihalili. 1Co 1:21, 25; 1Ti 6:20
Isang pananggalang laban sa pinakamalakas na kaaway. Efe 6:11, 12, 17
Pumapatnubay sa tao sa tamang landas. Aw 119:105; 2Pe 1:19; Kaw 3:5, 6
C. Isinulat para sa mga tao ng lahat ng bansa at lahi
Ang pagsulat ng Bibliya ay nagsimula sa Silangan. Exo 17:14; 24:12, 16; 34:27
Paglalaan ng Diyos hindi lamang para sa mga taga-Europa. Ro 10:11-13; Gal 3:28
Tinatanggap ng Diyos ang lahat ng uri ng tao. Gaw 10:34, 35; Ro 5:18; Apo 7:9, 10
4. Buhay
A. Ang buhay na walang hanggan ay tinitiyak para sa masunuring sangkatauhan
Ang Diyos, na hindi makapagsisinungaling, ay nangako ng buhay. Tit 1:2; Ju 10:27, 28
Ang walang-hanggang buhay ay tinitiyak sa mga nananampalataya. Ju 11:25, 26
Ang kamatayan ay lilipulin. 1Co 15:26; Apo 21:4; 20:14; Isa 25:8
B. Ang makalangit na buhay ay limitado sa mga kabilang sa katawan ni Kristo
Pinipili ng Diyos ang mga miyembro ayon sa kaniyang kinalulugdan. Mat 20:23; 1Co 12:18
144,000 lamang ang kukunin mula sa lupa. Apo 14:1, 4; 7:2-4; 5:9, 10
Kahit si Juan na Tagapagbautismo ay hindi magtutungo sa makalangit na Kaharian. Mat 11:11
C. Makalupang buhay ipinangako sa walang-takdang bilang, sa “ibang mga tupa”
Limitado ang bilang ng makakasama ni Jesus sa langit. Apo 14:1, 4; 7:2-4
Ang “ibang mga tupa” ay hindi mga kapatid ni Kristo. Ju 10:16; Mat 25:32, 40
Marami ang tinitipon ngayon ukol sa kaligtasan sa lupa. Apo 7:9, 15-17
Ang iba ay ibabangon ukol sa buhay sa lupa. Apo 20:12; 21:4
5. Bulaang Propeta
A. Inihula ang mga bulaang propeta; lumitaw noong kaarawan ng mga apostol
Sukatan upang makilala ang mga bulaang propeta. Deu 18:20-22; Luc 6:26
Inihula; nakikilala sa pamamagitan ng mga bunga. Mat 24:23-26; 7:15-23
6. Diyablo, Mga Demonyo
A. Ang Diyablo ay isang espiritung persona
Hindi ang kasamaan sa loob ng isang tao kundi isang espiritung persona. 2Ti 2:26
Ang Diyablo ay isang persona gaya rin ng mga anghel. Mat 4:1, 11; Job 1:6
Ginawang Diyablo ang sarili sa pamamagitan ng maling pagnanasa. San 1:13-15
B. Ang Diyablo ang di-nakikitang tagapamahala ng sanlibutan
Ang sanlibutan ay nasa ilalim ng kaniyang kontrol bilang diyos nito. 2Co 4:4; 1Ju 5:19; Apo 12:9
Pinahintulutang manatili hanggang malutas ang isyu. Exo 9:16; Ju 12:31
Ibubulid sa kalaliman, pagkatapos ay pupuksain. Apo 20:2, 3, 10
C. Ang mga demonyo ay mapaghimagsik na mga anghel
Sumama kay Satanas bago ang Baha. Gen 6:1, 2; 1Pe 3:19, 20
Ibinaba, inalisan ng lahat ng kaliwanagan. 2Pe 2:4; Judas 6
Lumalaban sa Diyos, pinagmamalupitan ang sangkatauhan. Luc 8:27-29; Apo 16:13, 14
Pupuksain kasama ni Satanas. Mat 25:41; Luc 8:31; Apo 20:2, 3, 10
7. Dugo
A. Ang pagsasalin ay lumalabag sa kabanalan ng dugo
Sinabihan si Noe na ang dugo ay banal, siyang buhay. Gen 9:4, 16
Tipang kautusan ay nagbawal sa pagkain ng dugo. Lev 17:14; 7:26, 27
Pagbabawal ay inulit sa mga Kristiyano. Gaw 15:28, 29; 21:25
B. Ang suliranin sa pagliligtas ng buhay ay hindi nagbibigay-katuwiran upang labagin ang batas ng Diyos
Ang pagsunod ay maigi kaysa sa hain. 1Sa 15:22; Mar 12:33
Nakamamatay na unahin ang buhay ng isa kaysa sa batas ng Diyos. Mar 8:35, 36
8. Espiritu, Espiritismo
A. Kung ano ang banal na espiritu
Aktibong puwersa ng Diyos, hindi isang persona. Gaw 2:2, 3, 33; Ju 14:17
Ginamit sa paglalang, pagkasi sa Bibliya, atb. Gen 1:2; Eze 11:5
Iniaanak, pinapahiran, ang mga kabilang sa katawan ni Kristo. Ju 3:5-8; 2Co 1:21, 22
Nagbibigay ng lakas, umaakay sa bayan ng Diyos ngayon. Gal 5:16, 18
B. Puwersa ng buhay na tinatawag na espiritu
Simulain ng buhay, nagpapatuloy sa pamamagitan ng paghinga. San 2:26; Job 27:3
Ang kapangyarihan sa puwersa ng buhay ay nasa Diyos. Zac 12:1; Ec 8:8
Ang puwersa ng buhay ng tao at hayop ay sa Diyos. Ec 3:19-21
Ang espiritu ay naihahabilin sa Diyos taglay ang pag-asa sa pagkabuhay-muli. Luc 23:46
C. Ang espiritismo ay dapat iwasan bilang gawa ng mga demonyo
Ipinagbabawal ng Salita ng Diyos. Isa 8:19, 20; Lev 19:31; 20:6, 27
Ang panghuhula ay demonismo; hinahatulan. Gaw 16:16-18
Umaakay sa pagkapuksa. Gal 5:19-21; Apo 21:8; 22:15
Ipinagbabawal ang astrolohiya. Deu 18:10-12; Jer 10:2
9. Haluang Pananampalataya (Interfaith)
A. Ang pagsanib sa ibang relihiyon ay hindi paraan ng Diyos
Iisa lamang ang daan, makipot, iilan ang nakasusumpong nito. Efe 4:4-6; Mat 7:13, 14
Nagbabala na nakahahawa ang bulaang doktrina. Mat 16:6, 12; Gal 5:9
Iniutos na humiwalay. 2Ti 3:5; 2Co 6:14-17; Apo 18:4
B. Hindi totoo ang “may mabuti sa lahat ng relihiyon”
Ang ilan ay may sigasig ngunit hindi ayon sa Diyos. Ro 10:2, 3
Kasamaan ay sumisira sa maaari sana’y naging mabuti. 1Co 5:6; Mat 7:15-17
Ang mga bulaang guro ay nagdadala ng pagkapuksa. 2Pe 2:1; Mat 12:30; 15:14
Ang malinis na pagsamba ay humihiling ng bukod-tanging debosyon. Deu 6:5, 14, 15
10. Huling Araw
A. Kung ano ang kahulugan ng “katapusan ng sanlibutan”
Pagtatapos ng sistema ng mga bagay. Mat 24:3; 2Pe 3:5-7; Mar 13:4
Hindi katapusan ng lupa, kundi ng balakyot na sistema. 1Ju 2:17
Ang panahon ng katapusan ay mauuna sa pagkapuksa. Mat 24:14
Kaligtasan para sa matuwid; bagong sanlibutan ang kasunod. 2Pe 2:9; Apo 7:14-17
B. Kailangang maging gising sa mga tanda ng mga huling araw
Naglaan ang Diyos ng mga tanda bilang ating patnubay. 2Ti 3:1-5; 1Te 5:1-4
Hindi nakilala ng sanlibutan ang kaselanan nito. 2Pe 3:3, 4, 7; Mat 24:39
Hindi mabagal ang Diyos, kundi nagbibigay ng babala. 2Pe 3:9
Gantimpala para sa pagiging gising, nababahala. Luc 21:34-36
11. Iglesya
A. Ang iglesya ay espirituwal, itinayo kay Kristo
Ang Diyos ay hindi tumatahan sa mga templong gawa ng tao. Gaw 17:24, 25; 7:48
Ang tunay na iglesya ay espirituwal na templo ng mga batong buháy. 1Pe 2:5, 6
Si Kristo, batong panulok; mga apostol, pangalawahing pundasyon. Efe 2:20
Ang Diyos ay dapat sambahin sa espiritu at katotohanan. Ju 4:24
B. Ang iglesya ay hindi itinayo kay Pedro
Hindi sinabi ni Jesus na ang iglesya ay itinayo kay Pedro. Mat 16:18
Si Jesus ay ipinakilala bilang ang “batong-limpak.” 1Co 10:4
Ipinakilala ni Pedro si Jesus bilang pundasyon. 1Pe 2:4, 6-8; Gaw 4:8-12
12. Imahen
A. Ang paggamit ng mga imahen, estatuwa, sa pagsamba ay isang kadustaan sa Diyos
Hindi posibleng igawa ng larawan ang Diyos. 1Ju 4:12; Isa 40:18; 46:5; Gaw 17:29
Binabalaan ang mga Kristiyano laban sa mga imahen. 1Co 10:14; 1Ju 5:21
Ang Diyos ay dapat sambahin sa espiritu, katotohanan. Ju 4:24
B. Ang pagsamba sa imahen ay nakamatay sa bansang Israel
Ang pagsamba sa mga imahen ay ipinagbawal sa mga Judio. Exo 20:4, 5
Hindi makarinig, makapagsalita; ang gumagawa sa kanila ay magiging gaya nila. Aw 115:4-8
Nagdala ng silo, pagkapuksa. Aw 106:36, 40-42; Jer 22:8, 9
C. Hindi ipinahihintulot ang “pahambing” na pagsamba
Ayaw ng Diyos na pahintulutan ang “pahambing” na pagsamba sa kaniya. Isa 42:8
Ang Diyos ang tanging “Dumirinig ng panalangin.” Aw 65:1, 2
13. Impiyerno (Hades, Sheol)
A. Hindi isang literal na dako ng maapoy na pagpapahirap
Ang nagdurusang si Job ay nanalangin na mapapunta roon. Job 14:13
Isang dako ng kawalang-ginagawa. Aw 6:5; Ec 9:10; Isa 38:18, 19
Si Jesus ay ibinangon mula sa libingan, impiyerno. Gaw 2:27, 31, 32; Aw 16:10
Ibibigay ng impiyerno ang iba pang patay, at ito ay mapupuksa. Apo 20:13, 14
B. Ang apoy ay sagisag ng pagkalipol
Ang pagkalipol sa kamatayan ay isinasagisag ng apoy. Mat 25:41, 46; 13:30
Ang di-nagsisising balakyot ay mapupuksa magpakailanman na waring sa apoy. Heb 10:26, 27
Ang maapoy na “pagpapahirap” kay Satanas ay walang-hanggang kamatayan. Apo 20:10, 14, 15
C. Ang ulat hinggil sa taong mayaman at kay Lazaro ay hindi katunayan ng walang-hanggang pagpapahirap
Apoy ay hindi literal gaya rin ng dibdib ni Abraham. Luc 16:22-24
Ang pabor ni Abraham ay ginawang kabaligtaran ng kadiliman. Mat 8:11, 12
Pagkalipol ng Babilonya ay tinawag na maapoy na pagpapahirap. Apo 18:8-10, 21
14. Jehova, Diyos
A. Pangalan ng Diyos
Ang “Diyos” ay di-tiyak na termino; ang ating Panginoon ay may personal na pangalan. 1Co 8:5, 6
Idinadalangin natin na pakabanalin ang pangalan niya. Mat 6:9, 10
Jehova ang pangalan ng Diyos. Aw 83:18; Exo 6:2, 3; 3:15; Isa 42:8
Pangalan sa KJ. Exo 6:3 (talababa sa Dy). Aw 83:18; Isa 12:2; 26:4
Ipinakilala ni Jesus ang pangalan. Ju 17:6, 26; 5:43; 12:12, 13, 28
B. Pag-iral ng Diyos
Imposibleng makita ang Diyos at mabuhay. Exo 33:20; Ju 1:18; 1Ju 4:12
Hindi kailangang makita ang Diyos upang maniwala. Heb 11:1; Ro 8:24, 25; 10:17
Nakikilala ang Diyos sa nakikitang mga gawa niya. Ro 1:20; Aw 19:1, 2
Ang katuparan ng hula ay patunay na umiiral ang Diyos. Isa 46:8-11
C. Mga katangian ng Diyos
Ang Diyos ay pag-ibig. 1Ju 4:8, 16; Exo 34:6; 2Co 13:11; Mik 7:18
Nakahihigit sa karunungan. Job 12:13; Ro 11:33; 1Co 2:7
Makatuwiran, nagsasagawa ng katarungan. Deu 32:4; Aw 37:28
Makapangyarihan-sa-lahat, nagtataglay ng lahat ng kapangyarihan. Job 37:23; Apo 7:12; 4:11
D. Hindi lahat ay naglilingkod sa iisang Diyos
Ang daan na waring mabuti ay hindi laging tama. Kaw 16:25; Mat 7:21
Dalawang daan, iisa lamang ang patungo sa buhay. Mat 7:13, 14; Deu 30:19
Maraming diyos ngunit iisa lamang ang tunay na Diyos. 1Co 8:5, 6; Aw 82:1
Ang pagkilala sa tunay na Diyos ay mahalaga para sa buhay. Ju 17:3; 1Ju 5:20
15. Jesus
A. Si Jesus ay Anak ng Diyos at hinirang na Hari
Panganay ng Diyos, ginamit sa paglikha ng lahat ng iba pang bagay. Apo 3:14; Col 1:15-17
Naging isang taong ipinanganak ng babae, mababa kaysa sa mga anghel. Gal 4:4; Heb 2:9
Ipinanganak ng espiritu ng Diyos, may kahihinatnan sa langit. Mat 3:16, 17
Itinaas nang higit kaysa sa kalagayan niya bago maging tao. Fil 2:9, 10
B. Ang paniniwala kay Jesu-Kristo ay mahalaga ukol sa kaligtasan
Si Kristo ang ipinangakong Binhi ni Abraham. Gen 22:18; Gal 3:16
Si Jesus lamang ang Mataas na Saserdote, pantubos. 1Ju 2:1, 2; Heb 7:25, 26; Mat 20:28
Buhay ay sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos at kay Kristo, pagsunod. Ju 17:3; Gaw 4:12
C. Higit pa sa paniniwala kay Jesus ang kailangan
Ang paniniwala ay dapat na may kasamang mga gawa. San 2:17-26; 1:22-25
Dapat na sumunod sa mga utos, gawin ang gawa na ginawa niya. Ju 14:12, 15; 1Ju 2:3
Hindi lahat ng gumagamit sa pangalan ng Panginoon ay papasok sa Kaharian. Mat 7:21-23
16. Kabalakyutan, Pandaigdig na Kabagabagan
A. Kung sino ang may pananagutan sa pandaigdig na kabagabagan
Balakyot na pamamahala ang sanhi ng masamang panahon ngayon. Kaw 29:2; 28:28
Tagapamahala ng sanlibutan ay kaaway ng Diyos. 2Co 4:4; 1Ju 5:19; Ju 12:31
Mga kaabahan ay dulot ng Diyablo, maikli na ang panahon. Apo 12:9, 12
Gagapusin ang Diyablo, susunod ang maluwalhating kapayapaan. Apo 20:1-3; 21:3, 4
B. Kung bakit pinahihintulutan ang kabalakyutan
Hinamon ng Diyablo ang katapatan sa Diyos ng mga nilalang. Job 1:11, 12
Ang mga tapat ay binibigyan ng pagkakataon na patunayang sila’y matapat. Ro 9:17; Kaw 27:11
Napatunayang sinungaling ang Diyablo, lulutasin ang isyu. Ju 12:31
Ang mga tapat ay gagantimpalaan ng walang-hanggang buhay. Ro 2:6, 7; Apo 21:3-5
C. Ang pinahabang panahon ng kawakasan ay maawaing paglalaan
Gaya noong araw ni Noe, kailangan ng panahon upang magbigay-babala. Mat 24:14, 37-39
Diyos hindi mabagal, kundi maawain. 2Pe 3:9; Isa 30:18
Bibliya tumutulong sa atin na huwag madatnang di-nakahanda. Luc 21:36; 1Te 5:4
Hanapin ang paglalaan ng Diyos ngayon ukol sa proteksiyon. Isa 2:2-4; Zef 2:3
D. Lunas sa kabagabagan ng sanlibutan hindi mula sa tao
Mga tao takot na takot, nalilito. Luc 21:10, 11; 2Ti 3:1-5
Kaharian ng Diyos, hindi mga tao, ang magtatagumpay. Dan 2:44; Mat 6:10
Upang mabuhay, makipagpayapaan ngayon sa Hari. Aw 2:9, 11, 12
17. Kaharian
A. Kung ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos para sa sangkatauhan
Upang gawin ang kalooban ng Diyos. Mat 6:9, 10; Aw 45:6; Apo 4:11
Isang pamahalaan na may hari at mga batas. Isa 9:6, 7; 2:3; Aw 72:1, 8
Puksain ang kabalakyutan, magpuno sa buong lupa. Dan 2:44; Aw 72:8
1,000-taóng pamamahala upang isauli ang sangkatauhan, Paraiso. Apo 21:2-4; 20:6
B. Magsisimulang kumilos habang ang mga kaaway ni Kristo ay aktibo pa
Pagkatapos ibangon si Kristo siya’y naghintay nang matagal. Aw 110:1; Heb 10:12, 13
Humawak ng kapangyarihan, nakipagdigma laban kay Satanas. Aw 110:2; Apo 12:7-9; Luc 10:18
Itinatag ang Kaharian noon, sumunod ang mga kaabahan sa lupa. Apo 12:10, 12
Ang kaguluhan ngayon ay nangangahulugang panahon na upang manindigan para sa Kaharian. Apo 11:15-18
C. Wala ‘sa puso,’ hindi nangyayari dahil sa mga pagsisikap ng tao
Ang kaharian ay sa langit, hindi sa lupa. 2Ti 4:18; 1Co 15:50; Aw 11:4
Wala ‘sa puso’; mga Pariseo ang kausap ni Jesus. Luc 17:20, 21
Hindi bahagi ng sanlibutang ito. Ju 18:36; Luc 4:5-8; Dan 2:44
Mga pamahalaan, mga pamantayan ng sanlibutan, papalitan. Dan 2:44
18. Kaligtasan
A. Ang kaligtasan ay mula sa Diyos sa pamamagitan ng haing pantubos ni Jesus
Ang buhay ay kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang Anak. 1Ju 4:9, 14; Ro 6:23
Ang kaligtasan ay posible lamang sa pamamagitan ng hain ni Jesus. Gaw 4:12
Wala nang magagawa ang “pagsisisi sa oras ng kamatayan.” San 2:14, 26
Dapat gumawa nang puspusan upang tamuhin iyon. Luc 13:23, 24; 1Ti 4:10
B. Ang “minsang ligtas, laging ligtas” ay hindi makakasulatan
Ang mga kabahagi sa banal na espiritu ay maaaring mahulog. Heb 6:4, 6; 1Co 9:27
Maraming Israelita ang napuksa bagaman nakaligtas sa Ehipto. Judas 5
Ang kaligtasan ay hindi karaka-raka. Fil 2:12; 3:12-14; Mat 10:22
Yaong mga nagsisiurong ay lalong masama kaysa dati. 2Pe 2:20, 21
C. Ang “pansansinukob na kaligtasan” ay hindi makakasulatan
Imposibleng magsisi ang iba. Heb 6:4-6
Ang Diyos ay hindi nalulugod sa kamatayan ng balakyot. Eze 33:11; 18:32
Ngunit hindi kinukunsinti ng pag-ibig ang kalikuan. Heb 1:9
Pupuksain ang balakyot. Heb 10:26-29; Apo 20:7-15
19. Kaluluwa
A. Kung ano ang kaluluwa
Ang tao ay kaluluwa. Gen 2:7; 1Co 15:45; Jos 11:11; Gaw 27:37
Ang mga hayop ay tinatawag ding mga kaluluwa. Bil 31:28; Apo 16:3; Lev 24:18
Ang kaluluwa ay may dugo, kumakain, namamatay. Jer 2:34; Lev 7:18; Eze 18:4
Ang tao, sa pagkakaroon ng buhay, ay sinasabing may kaluluwa. Mar 8:36; Ju 10:15
B. Pagkakaiba ng kaluluwa at ng espiritu
Ang buhay bilang isang persona o nilalang ay kaluluwa. Ju 10:15; Lev 17:11
Ang puwersa ng buhay na nagpapakilos sa mga kaluluwa ay tinawag na “espiritu.” Aw 146:4; 104:29
Kapag namatay ang isa, ang kontrol sa puwersa ng buhay ay nagbabalik sa Diyos. Ec 12:7
Diyos lamang ang makapagpapakilos sa puwersa ng buhay. Eze 37:12-14
20. Kamatayan
A. Sanhi ng kamatayan
Ang tao ay may sakdal na pasimula, may pag-asa sa walang-hanggang buhay. Gen 1:28, 31
Ang pagsuway ay nagdala ng hatol na kamatayan. Gen 2:16, 17; 3:17, 19
Ang kasalanan at kamatayan ay naipasa sa lahat ng anak ni Adan. Ro 5:12
B. Kalagayan ng mga patay
Si Adan ay ginawang isang kaluluwa, hindi binigyan nito. Gen 2:7; 1Co 15:45
Ang tao, na siyang kaluluwa, ang namamatay. Eze 18:4; Isa 53:12; Job 11:20
Mga patay ay walang malay, walang nalalamang anuman. Ec 9:5, 10; Aw 146:3, 4
Mga patay ay natutulog at naghihintay ng pagkabuhay-muli. Ju 11:11-14, 23-26; Gaw 7:60
C. Ang pakikipag-usap sa patay ay imposible
Ang mga patay ay hindi nabubuhay kasama ng Diyos bilang mga espiritu. Aw 115:17; Isa 38:18
Binabalaan na huwag sikaping makipag-usap sa patay. Isa 8:19; Lev 19:31
Ang mga espiritista, manghuhula, hinahatulan. Deu 18:10-12; Gal 5:19-21
21. Kapistahan, Kaarawan
A. Mga Kaarawan, Pasko, hindi ipinagdiwang ng unang mga Kristiyano
Yaong mga hindi tunay na mananamba ang nagdiwang nito. Gen 40:20; Mat 14:6
Ang araw ng kamatayan ni Jesus ang dapat alalahanin. Luc 22:19, 20; 1Co 11:25, 26
Ang walang-taros na pagsasaya sa mga selebrasyon ay hindi wasto. Ro 13:13; Gal 5:21; 1Pe 4:3
22. Kasalanan
A. Kung ano ang kasalanan
Isang paglabag sa batas ng Diyos, ang sakdal niyang pamantayan. 1Ju 3:4; 5:17
Ang tao, bilang nilalang ng Diyos, ay mananagot sa kaniya. Ro 14:12; 2:12-15
Niliwanag ng Kautusan ang kasalanan, ipinabatid ito sa tao. Gal 3:19; Ro 3:20
Lahat ay nagkakasala, di-maabot ang sakdal na pamantayan ng Diyos. Ro 3:23; Aw 51:5
B. Kung bakit nagdurusa ang lahat mula sa kasalanan ni Adan
Ipinasa ni Adan ang di-kasakdalan, kamatayan sa lahat. Ro 5:12, 18
Maawain ang Diyos sa pagpapasensiya sa tao. Aw 103:8, 10, 14, 17
Ang hain ni Jesus ay nagpapatawad ng kasalanan. 1Ju 2:2
Ang kasalanan at lahat ng iba pang gawa ng Diyablo ay aalisin. 1Ju 3:8
C. Ang ipinagbawal na bunga ay pagsuway, hindi ang pagsisiping
Ang pagbabawal sa punungkahoy ay ibinigay bago pa likhain si Eva. Gen 2:17, 18
Sinabihan sina Adan at Eva na mag-anak. Gen 1:28
Ang mga anak ay hindi bunga ng pagkakasala, kundi ng pagpapala ng Diyos. Aw 127:3-5
Nagkasala si Eva nang wala ang kaniyang asawa; nagpauna. Gen 3:6; 1Ti 2:11-14
Si Adan, bilang ulo, naghimagsik laban sa batas ng Diyos. Ro 5:12, 19
D. Kung ano ang kasalanan laban sa banal na espiritu (Mat 12:32; Mar 3:28, 29)
Hindi gayon ang minanang kasalanan. Ro 5:8, 12, 18; 1Ju 5:17
Maaaring mapighati ng isa ang espiritu, gayunma’y makapanunumbalik. Efe 4:30; San 5:19, 20
Ang pamimihasa sa kasalanan ay umaakay sa kamatayan. 1Ju 3:6-9
Ang gayon ay hinahatulan ng Diyos, inaalisan ng kaniyang espiritu. Heb 6:4-8
Hindi natin dapat ipanalangin ang mga iyon na di-nagsisisi. 1Ju 5:16, 17
23. Kronolohiya
A. 1914 (C.E.) ang katapusan ng Panahong Gentil
Napatid ang linya ng mga tagapamahala ng kaharian, 607 B.C.E. Eze 21:25-27
“Pitong panahon” ang lilipas hanggang sa maibalik muli ang pamamahala. Dan 4:32, 16, 17
Pito = 2 × 3 1⁄2 panahon, o 2 × 1,260 araw. Apo 12:6, 14; 11:2, 3
Isang araw para sa isang taon. [Magiging 2,520 taon] Eze 4:6; Bil 14:34
Lilipas hanggang sa pagtatatag ng Kaharian. Luc 21:24; Dan 7:13, 14
24. Krus
A. Si Jesus ay ibinayubay sa isang tulos na pambitay bilang kadustaan
Si Jesus ay ibinayubay sa isang tulos na pambitay o punungkahoy. Gaw 5:30; 10:39; Gal 3:13
Dapat na dalhin ng mga Kristiyano ang tulos ng kadustaan. Mat 10:38; Luc 9:23
B. Hindi dapat sambahin
Ang pagtatanghal sa tulos ni Jesus ay isang pandurusta. Heb 6:6; Mat 27:41, 42
Ang paggamit ng krus sa pagsamba ay idolatriya. Exo 20:4, 5; Jer 10:3-5
Si Jesus ay isang espiritu, wala na sa tulos. 1Ti 3:16; 1Pe 3:18
25. Langit
A. 144,000 lamang ang aakyat sa langit
Isang limitadong bilang; magiging mga hari kasama ni Kristo. Apo 5:9, 10; 20:4
Si Jesus ang nauna; mula noon pumili ng iba pa. Col 1:18; 1Pe 2:21
Marami pang iba ang mabubuhay sa lupa. Aw 72:8; Apo 21:3, 4
Ang 144,000 ay may pantanging katayuan na hindi taglay ng iba. Apo 14:1, 3; 7:4, 9
26. Lupa
A. Layunin ng Diyos para sa lupa
Ang paraiso ay ginawa sa lupa para sa sakdal na mga tao. Gen 1:28; 2:8-15
Ang layunin ng Diyos ay tiyak. Isa 55:11; 46:10, 11
Ang lupa ay mapupuno ng mapayapa, sakdal na mga tao. Aw 72:7; Isa 45:18; 9:6, 7
Ang paraiso ay isasauli ng Kaharian. Mat 6:9, 10; Apo 21:3-5
B. Hindi kailanman pupuksain o aalisan ng naninirahan
Ang literal na lupa ay permanente. Ec 1:4; Aw 104:5
Sangkatauhan noong panahon ni Noe ang napuksa, hindi ang lupa. 2Pe 3:5-7; Gen 7:23
Ang halimbawang ito ay nagbibigay ng pag-asang makaligtas sa ating panahon. Mat 24:37-39
Pupuksain ang balakyot; makaliligtas ang “malaking pulutong.” 2Te 1:6-9; Apo 7:9, 14
27. Memoryal, Misa
A. Pag-alaala sa Hapunan ng Panginoon
Ipinagdiriwang minsan sa isang taon sa petsa ng Paskuwa. Luc 22:1, 17-20; Exo 12:14
Inaalaala ang sakripisyong kamatayan ni Kristo. 1Co 11:26; Mat 26:28
Yaong may makalangit na pag-asa ay nakikibahagi. Luc 22:29, 30; 12:32, 37
Kung paano malalaman ng isang tao na siya’y may gayong pag-asa. Ro 8:15-17
B. Ang misa ay hindi makakasulatan
Ang kapatawaran ng mga kasalanan ay nangangailangan ng pagtitigis ng dugo. Heb 9:22
Si Kristo ang tanging Tagapamagitan ng bagong tipan. 1Ti 2:5, 6; Ju 14:6
Si Kristo ay nasa langit; hindi maibababa ng pari. Gaw 3:20, 21
Hindi na kailangang ulitin ang hain ni Kristo. Heb 9:24-26; 10:11-14
28. Ministro
A. Lahat ng Kristiyano ay dapat na maging mga ministro
Si Jesus ay ministro ng Diyos. Ro 15:8, 9; Mat 20:28
Sinusunod ng mga Kristiyano ang kaniyang halimbawa. 1Pe 2:21; 1Co 11:1
Kailangang mangaral upang maganap ang ministeryo. 2Ti 4:2, 5; 1Co 9:16
B. Mga kuwalipikasyon para sa ministeryo
Espiritu ng Diyos at kaalaman sa kaniyang Salita. 2Ti 2:15; Isa 61:1-3
Sundin ang huwaran ni Kristo sa pangangaral. 1Pe 2:21; 2Ti 4:2, 5
Ang Diyos ay nagsasanay sa pamamagitan ng espiritu, organisasyon. Ju 14:26; 2Co 3:1-3
29. Pag-aasawa
A. Ang buklod ng pag-aasawa ay dapat na maging marangal
Itinulad kay Kristo at sa kasintahang babae. Efe 5:22, 23
Ang higaang pangmag-asawa ay dapat na walang dungis. Heb 13:4
Ang mag-asawa ay pinapayuhang huwag maghiwalay. 1Co 7:10-16
Por·neiʹa lamang ang makakasulatang saligan ng pagdidiborsiyo. Mat 19:9
B. Ang simulain ng pagkaulo ay dapat na igalang ng mga Kristiyano
Asawang lalaki bilang ulo ay dapat umibig, mangalaga sa pamilya. Efe 5:23-31
Asawang babae, nagpapasakop, umiibig, sumusunod sa asawang lalaki. 1Pe 3:1-7; Efe 5:22
Mga anak ay dapat na maging masunurin. Efe 6:1-3; Col 3:20
C. Pananagutan ng mga Kristiyanong magulang sa mga anak
Dapat magpakita ng pag-ibig, mag-ukol ng panahon, atensiyon. Tit 2:4
Huwag silang yamutin. Col 3:21
Maglaan, lakip ang mga bagay na espirituwal. 2Co 12:14; 1Ti 5:8
Sanayin sila ukol sa buhay. Efe 6:4; Kaw 22:6, 15; 23:13, 14
D. Ang mga Kristiyano ay dapat mag-asawa sa mga Kristiyano lamang
Mag-asawa “tangi lamang sa Panginoon.” 1Co 7:39; Deu 7:3, 4; Ne 13:26
E. Ang poligamya ay hindi makakasulatan
Sa pasimula ang lalaki ay nilayong magkaroon ng isa lamang asawang babae. Gen 2:18, 22-25
Ibinalik ni Jesus ang pamantayan para sa mga Kristiyano. Mat 19:3-9
Hindi nagkaroon ng maraming asawa ang mga unang Kristiyano. 1Co 7:2, 12-16; Efe 5:28-31
30. Pagbabalik ni Kristo
A. Ang pagbabalik ay hindi makikita ng mga tao
Sinabi sa mga alagad na hindi na siya makikita ng sanlibutan. Ju 14:19
Mga alagad lamang ang nakakita ng pag-akyat; gayundin ang pagbabalik. Gaw 1:6, 10, 11
Sa langit, isang di-nakikitang espiritu. 1Ti 6:14-16; Heb 1:3
Babalik na may makalangit na kapangyarihan ng Kaharian. Dan 7:13, 14
B. Nakikilala sa pamamagitan ng pisikal na mga katibayan
Itinanong ng mga alagad ang tanda ng pagkanaririto. Mat 24:3
“Nakikita” ng mga Kristiyano ang pagkanaririto sa pamamagitan ng unawa. Efe 1:18
Maraming pangyayari ang bumubuo ng patotoo ng pagkanaririto. Luc 21:10, 11
“Makikita” ng mga kaaway kapag sumapit ang pagpuksa. Apo 1:7
31. Pagkabuhay-muli
A. Pag-asa para sa mga patay
Lahat ng nasa libingan ay ibabangon. Ju 5:28, 29
Ang pagkabuhay-muli ni Jesus ay isang garantiya. 1Co 15:20-22; Gaw 17:31
Ang mga nagkasala laban sa espiritu ay hindi babangon. Mat 12:31, 32
Makatitiyak dito ang may pananampalataya. Ju 11:25
B. Pagkabuhay-muli sa langit o sa lupa
Lahat ay namamatay kay Adan; tatanggap ng buhay kay Jesus. 1Co 15:20-22; Ro 5:19
Pagkakaiba sa kalikasan niyaong mga bubuhayin. 1Co 15:40, 42, 44
Ang makakasama ni Jesus ay magiging gaya niya. 1Co 15:49; Fil 3:20, 21
Ang mga hindi mamamahala ay mananatili sa lupa. Apo 20:4b, 5, 13; 21:3, 4
32. Paglalang
A. Kasuwato ng tunay na siyensiya; pinabubulaanan ang ebolusyon
Kasuwato ng siyensiya ang pagkakasunud-sunod ng paglalang. Gen 1:11, 12, 21, 24, 25
Ang batas ng Diyos hinggil sa “mga uri” ay totoo. Gen 1:11, 12; San 3:12
B. Ang mga araw ng paglalang ay hindi mga araw na tig-24 na oras
Ang “araw” ay maaaring mangahulugan lamang ng yugto ng panahon. Gen 2:4
Isang araw sa Diyos ay maaaring napakahabang panahon. Aw 90:4; 2Pe 3:8
33. Pagpapagaling, Pagsasalita ng mga Wika
A. Ang espirituwal na pagpapagaling ay may namamalaging mga kapakinabangan
Ang sakit sa espirituwal ay mapamuksa. Isa 1:4-6; 6:10; Os 4:6
Espirituwal na pagpapagaling ang pangunahing atas. Ju 6:63; Luc 4:18
Nag-aalis ng mga kasalanan; nagbibigay ng kaligayahan, buhay. San 5:19, 20; Apo 7:14-17
B. Kaharian ng Diyos ang magdadala ng namamalaging pisikal na kagamutan
Pinagaling ni Jesus ang mga sakit, ipinangaral ang mga pagpapala ng Kaharian. Mat 4:23
Kaharian ipinangako bilang siyang namamalaging lunas. Mat 6:10; Isa 9:7
Maging ang kamatayan ay aalisin. 1Co 15:25, 26; Apo 21:4; 20:14
C. Ang makabagong pagpapagaling sa pamamagitan ng pananampalataya ay walang patotoo ng pagsang-ayon ng Diyos
Hindi makahimalang pinagaling ng mga alagad ang kanilang sarili. 2Co 12:7-9; 1Ti 5:23
Makahimalang mga kaloob ay nagwakas matapos ang kaarawan ng mga apostol. 1Co 13:8-11
Ang pagpapagaling ay hindi tiyak na katibayan ng pagsang-ayon ng Diyos. Mat 7:22, 23; 2Te 2:9-11
D. Ang pagsasalita ng mga wika ay isang pansamantalang paglalaan lamang
Isang tanda noon; mas dakilang mga kaloob ang dapat na hanapin. 1Co 14:22; 12:30, 31
Makahimalang mga kaloob ng espiritu ay inihulang lilipas. 1Co 13:8-10
Ang kamangha-manghang mga gawa ay hindi tiyak na katunayan ng pagsang-ayon ng Diyos. Mat 7:22, 23; 24:24
34. Pagpapatotoo
A. Lahat ng mga Kristiyano ay dapat magpatotoo, sabihin ang mabuting balita
Dapat kilalanin si Jesus sa harap ng mga tao upang sang-ayunan. Mat 10:32
Dapat na maging tagatupad ng Salita, nagpapamalas ng pananampalataya. San 1:22-24; 2:24
Mga baguhan man ay dapat na maging mga guro. Mat 28:19, 20
Pangmadlang pagpapahayag ay nagdudulot ng kaligtasan. Ro 10:10
B. Kailangan ang paulit-ulit na pagdalaw, patuluyang pagpapatotoo
Babala ng kawakasan ay dapat ibigay. Mat 24:14
Ipinahayag ni Jeremias ang katapusan ng Jerusalem sa loob ng maraming taon. Jer 25:3
Tulad ng mga unang Kristiyano, hindi magagawang tumigil. Gaw 4:18-20; 5:28, 29
C. Dapat magpatotoo upang maging malaya sa pagkakasala sa dugo
Dapat magbabala tungkol sa dumarating na kawakasan. Eze 33:7; Mat 24:14
Ang di-paggawa nito ay nagdadala ng pagkakasala sa dugo. Eze 33:8, 9; 3:18, 19
Si Pablo naging malaya sa pagkakasala sa dugo; nagsalita ng ganap na katotohanan. Gaw 20:26, 27; 1Co 9:16
Ililigtas kapuwa ang nagpapatotoo at ang nakikinig. 1Ti 4:16; 1Co 9:22
35. Pagsalansang, Pag-uusig
A. Dahilan ng pagsalansang sa mga Kristiyano
Si Jesus ay kinapootan, patiunang humula tungkol sa pagsalansang. Ju 15:18-20; Mat 10:22
Ang panghahawakan sa matutuwid na simulain ay humahatol sa sanlibutan. 1Pe 4:1, 4, 12, 13
Si Satanas, ang diyos ng sistemang ito, ay sumasalansang sa Kaharian. 2Co 4:4; 1Pe 5:8
Hindi natatakot ang Kristiyano, tinutulungan ng Diyos. Ro 8:38, 39; San 4:8
B. Hindi dapat pahintulutan ng babae ang kaniyang asawang lalaki na ihiwalay siya sa Diyos
Patiunang binabalaan; ang iba ay baka magbigay ng maling impormasyon sa asawang lalaki. Mat 10:34-38; Gaw 28:22
Siya’y dapat umasa sa Diyos at kay Kristo. Ju 6:68; 17:3
Sa pagiging tapat ay baka mailigtas din ang asawang lalaki. 1Co 7:16; 1Pe 3:1-6
Ang asawang lalaki ay ulo, ngunit hindi upang magdikta ng pagsamba. 1Co 11:3; Gaw 5:29
C. Hindi dapat pahintulutan ng lalaki ang kaniyang asawang babae na hadlangan siya sa paglilingkod sa Diyos
Dapat na ibigin ang asawang babae at ang pamilya, naisin na sila’y mabuhay. 1Co 7:16
May pananagutang magpasiya, maglaan. 1Co 11:3; 1Ti 5:8
Iniibig ng Diyos ang tao na naninindigan sa katotohanan. San 1:12; 5:10, 11
Ang pakikipagkompromiso alang-alang sa kapayapaan ay hindi nakalulugod sa Diyos. Heb 10:38
Akayin ang pamilya sa kaligayahan sa bagong sanlibutan. Apo 21:3, 4
36. Pagsamba kay Maria
A. Si Maria ay ina ni Jesus, hindi “ina ng Diyos”
Ang Diyos ay walang pasimula. Aw 90:2; 1Ti 1:17
Si Maria ang ina ng Anak ng Diyos, nang ito ay maging tao. Luc 1:35
B. Si Maria ay hindi “birhen magpakailanman”
Napangasawa niya si Jose. Mat 1:19, 20, 24, 25
Nagkaroon siya ng iba pang mga anak bukod kay Jesus. Mat 13:55, 56; Luc 8:19-21
Ang mga ito ay hindi niya “espirituwal na mga kapatid” noon. Ju 7:3, 5
37. Pagsamba sa Ninuno
A. Walang kabuluhan ang pagsamba sa ninuno
Ang mga ninuno ay patay, walang malay. Ec 9:5, 10
Pinagmulang mga ninuno hindi dapat sambahin. Ro 5:12, 14; 1Ti 2:14
Ipinagbabawal ng Diyos ang gayong pagsamba. Exo 34:14; Mat 4:10
B. Maaaring parangalan ang mga tao, ngunit Diyos lamang ang dapat sambahin
Dapat parangalan ng mga kabataan ang matatanda. 1Ti 5:1, 2, 17; Efe 6:1-3
Ngunit Diyos lamang ang sasambahin. Gaw 10:25, 26; Apo 22:8, 9
38. Panalangin
A. Mga panalangin na dinirinig ng Diyos
Ang Diyos ay nakikinig sa mga panalangin ng tao. Aw 145:18; 1Pe 3:12
Ang di-matuwid ay hindi diringgin malibang magbago ng landasin. Isa 1:15-17
Dapat manalangin sa pangalan ni Jesus. Ju 14:13, 14; 2Co 1:20
Dapat manalangin na kasuwato ng kalooban ng Diyos. 1Ju 5:14, 15
Ang pananampalataya ay mahalaga. San 1:6-8
B. Walang saysay na pag-uulit-ulit, mga panalangin kay Maria o sa mga “santo” ay walang kabuluhan
Dapat manalangin sa Diyos sa pangalan ni Jesus. Ju 14:6, 14; 16:23, 24
Ang paulit-ulit na mga salita ay hindi diringgin. Mat 6:7
39. Pantubos
A. Ang buhay-tao ni Jesus ay ibinayad bilang “pantubos para sa lahat”
Ibinigay ni Jesus ang kaniyang buhay bilang pantubos. Mat 20:28
Ang halaga ng itinigis na dugo ay naglalaan ng kapatawaran ng kasalanan. Heb 9:14, 22
Sapat na ang isang hain magpakailanman. Ro 6:10; Heb 9:26
Ang mga kapakinabangan ay hindi awtomatiko; dapat kilalanin. Ju 3:16
B. Katumbas na halaga
Si Adan ay nilalang na sakdal. Deu 32:4; Ec 7:29; Gen 1:31
Naiwala ang kasakdalan para sa sarili at sa mga anak sa pamamagitan ng kasalanan. Ro 5:12, 18
Walang magagawa ang mga anak; kailangan ang katumbas ni Adan. Aw 49:7; Deu 19:21
Ang sakdal na buhay-tao ni Jesus ay pantubos. 1Ti 2:5, 6; 1Pe 1:18, 19
40. Relihiyon
A. Iisa lamang ang tunay na relihiyon
Isang pag-asa, isang pananampalataya, isang bautismo. Efe 4:5, 13
Inatasang gumawa ng mga alagad. Mat 28:19; Gaw 8:12; 14:21
Nakikilala sa bunga nito. Mat 7:19, 20; Luc 6:43, 44; Ju 15:8
Pag-ibig, pagkakaisa ng mga miyembro. Ju 13:35; 1Co 1:10; 1Ju 4:20
B. Hinahatulan ang bulaang doktrina
Hinatulan ni Jesus ang bulaang doktrina. Mat 23:15, 23, 24; 15:4-9
Ginawa iyon upang ipagsanggalang ang mga nabubulagan. Mat 15:14
Pinalaya sila ng katotohanan upang maging mga alagad ni Jesus. Ju 8:31, 32
C. Kailangang magbago ng relihiyon kung mapatunayang mali
Ang katotohanan ay nagpapalaya; nagpapatunay na marami ang mali. Ju 8:31, 32
Ang mga Israelita, iba pa, umalis sa dating pagsamba. Jos 24:15; 2Ha 5:17
Ang unang mga Kristiyano ay nagbago ng pangmalas. Gal 1:13, 14; Gaw 3:17, 19
Si Pablo ay nagbago ng kaniyang relihiyon. Gaw 26:4-6
Ang buong sanlibutan ay nadaya; dapat magbago ng pag-iisip. Apo 12:9; Ro 12:2
D. Ang tila “mabuti sa lahat ng relihiyon” ay hindi katiyakan ng pagsang-ayon ng Diyos
Diyos ang nagtatakda ng pamantayan para sa pagsamba. Ju 4:23, 24; San 1:27
Hindi mabuti kung hindi ayon sa kalooban ng Diyos. Ro 10:2, 3
Ang “mabubuting gawa” ay maaaring itakwil. Mat 7:21-23
Nakikilala sa bunga. Mat 7:20
41. Sabbath
A. Ang araw ng Sabbath ay hindi kapit sa mga Kristiyano
Ang Kautusan ay pinawi ng kamatayan ni Jesus. Efe 2:15
Ang Sabbath ay hindi kapit sa mga Kristiyano. Col 2:16, 17; Ro 14:5, 10
Sinaway dahil sa pangingilin ng Sabbath, atb. Gal 4:9-11; Ro 10:2-4
Pumasok sa kapahingahan ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya at pagsunod. Heb 4:9-11
B. Ang pangingilin ng Sabbath ay hiniling sa sinaunang Israel lamang
Ang Sabbath ay unang ipinangilin pagkaraan ng Exodo. Exo 16:26, 27, 29, 30
Para lamang sa likas na Israel bilang tanda. Exo 31:16, 17; Aw 147:19, 20
Ang Sabbath ng mga taon ay kahilingan din sa ilalim ng Kautusan. Exo 23:10, 11; Lev 25:3, 4
Ang Sabbath ay hindi kinakailangan para sa mga Kristiyano. Ro 14:5, 10; Gal 4:9-11
C. Pamamahingang Sabbath ng Diyos (Ika-7 araw ng “sanlinggo” ng paglalang)
Nagsimula matapos ang makalupang paglalang. Gen 2:2, 3; Heb 4:3-5
Nagpatuloy noong kapanahunan ni Jesus sa lupa. Heb 4:6-8; Aw 95:7-9, 11
Ang mga Kristiyano ay nagpapahinga mula sa makasariling mga gawa. Heb 4:9, 10
Magwawakas kapag natapos na ng Kaharian ang gawain may kinalaman sa lupa. 1Co 15:24, 28
42. Saksi ni Jehova
A. Pinagmulan ng mga Saksi ni Jehova
Ipinakikilala ni Jehova ang kaniyang mga saksi. Isa 43:10-12; Jer 15:16
Ang linya ng mga tapat na saksi ay nagsimula kay Abel. Heb 11:4, 39; 12:1
Si Jesus ay tapat at tunay na saksi. Ju 18:37; Apo 1:5; 3:14
43. Tadhana
A. Ang tao’y hindi itinadhana
Ang layunin ng Diyos ay tiyak. Isa 55:11; Gen 1:28
Ang mga indibiduwal ay maaaring pumili kung maglilingkod sa Diyos. Ju 3:16; Fil 2:12
44. Trinidad
A. Diyos, ang Ama, iisang Persona, pinakadakila sa sansinukob
Ang Diyos ay hindi tatlong persona. Deu 6:4; Mal 2:10; Mar 10:18; Ro 3:29, 30
Anak nilalang; Diyos nag-iisa noon. Apo 3:14; Col 1:15; Isa 44:6
Diyos ang tagapamahala ng sansinukob sa lahat ng panahon. Fil 2:5, 6; Dan 4:35
Diyos ang dadakilain nang higit sa lahat. Fil 2:10, 11
B. Anak mas mababa sa Ama bago at pagkatapos pumarito sa lupa
Anak masunurin sa langit, isinugo ng Ama. Ju 8:42; 12:49
Masunurin sa lupa, Ama mas dakila. Ju 14:28; 5:19; Heb 5:8
Dinakila sa langit, ngunit nagpapasakop pa rin. Fil 2:9; 1Co 15:28; Mat 20:23
Si Jehova ang ulo at Diyos ni Kristo. 1Co 11:3; Ju 20:17; Apo 1:6
C. Pagiging iisa ng Diyos at ni Kristo
Laging lubusang magkasuwato. Ju 8:28, 29; 14:10
Pagiging iisa, tulad ng mag-asawa. Ju 10:30; Mat 19:4-6
Lahat ng mananampalataya ay dapat na may gayunding pagkakaisa. Ju 17:20-22; 1Co 1:10
Iisang pagsamba kay Jehova sa pamamagitan ni Kristo magpakailanman. Ju 4:23, 24
D. Banal na espiritu ng Diyos ang kaniyang aktibong puwersa
Isang puwersa, hindi isang persona. Mat 3:16; Ju 20:22; Gaw 2:4, 17, 33
Hindi isang persona sa langit na kasama ng Diyos at ni Kristo. Gaw 7:55, 56; Apo 7:10
Pinakikilos ng Diyos upang ganapin ang mga layunin niya. Aw 104:30; 1Co 12:4-11
Yaong mga naglilingkod sa Diyos ay tumatanggap, inaakay nito. 1Co 2:12, 13; Gal 5:16