Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • gf aralin 13 p. 21
  • Ang Mahika at Pangkukulam ay Masama

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Mahika at Pangkukulam ay Masama
  • Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Katotohanan Tungkol sa Mahika, Panggagaway, at Pangkukulam
    Ang Daan Papunta sa Buhay na Walang Hanggan—Nakita Mo Na Ba?
  • May Panganib ba sa Pagsasagawa ng Magic?
    Gumising!—1993
  • Kung Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pangkukulam
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Mahika at Panggagaway
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!
gf aralin 13 p. 21

ARALIN 13

Ang Mahika at Pangkukulam ay Masama

Bungo ng tao, mahiwagang gamot, at mga taong nagsasagawa ng pangkukulam

Nais ni Satanas na magsagawa ka ng mahika. Marami ang naghahain sa mga ninuno o sa mga espiritu upang ipagsanggalang sila mula sa kapinsalaan. Ginagawa nila ito sapagkat kinatatakutan nila ang mga kapangyarihan sa daigdig ng mga espiritu. Sila’y nagsusuot ng mga singsing o mga pulseras na pangmahika. Iniinom nila o ipinapahid sa kanilang mga katawan ang “mga medisina” na diumano’y nagtataglay ng kapangyarihang pangmahika. Sa kanilang mga tahanan o sa lupa, itinatago ng ilang tao ang mga kasangkapang pinaniniwalaang may mga kapangyarihang magbigay ng proteksiyon. Ang iba’y gumagamit ng “medisina” na pangmahika sapagkat sila’y naniniwala na ito’y magdudulot ng tagumpay sa negosyo, sa mga pagsusulit sa paaralan, o sa panliligaw.

Ang iyong pinakamabisang proteksiyon laban kay Satanas ay ang maging kaibigan ka ni Jehova. Ang Diyos na Jehova at ang kaniyang mga anghel ay makapupong makapangyarihan kaysa kay Satanas at sa kaniyang mga demonyo. (Santiago 2:​19; Apocalipsis 12:9) Si Jehova ay nananabik na ipakita ang kaniyang lakas sa kapakanan ng kaniyang mga kaibigan​—yaong mga lubos na tapat sa kaniya.​—2 Cronica 16:9.

Ang Salita ng Diyos ay nagsasabi: “Huwag kayong magsasagawa ng mahika.” Hinahatulan ni Jehova ang mahika at pangkukulam sapagkat ang mga gawaing ito ay maaaring tuwirang maglagay sa isa sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas na Diyablo.​—Levitico 19:26.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share