Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • gf aralin 16 p. 26-27
  • Ipakita ang Iyong Pag-ibig sa Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipakita ang Iyong Pag-ibig sa Diyos
  • Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!
  • Kaparehong Materyal
  • “Iniibig ng Diyos ang Masayang Nagbibigay”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Puwede Kang Maging Kaibigan ni Jehova
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Inaanyayahan Ka ng Diyos na Maging Kaibigan Niya
    Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!
  • Iniibig ni Jehova ang mga Nagbibigay na Masaya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Iba Pa
Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!
gf aralin 16 p. 26-27

ARALIN 16

Ipakita ang Iyong Pag-ibig sa Diyos

Isang lalaki na nananalangin at nagbabasa ng Bibliya

Upang mapanatili ang isang kaibigan, kailangan kang makipag-usap sa kaniya. Ikaw ay nakikinig sa kaniya, at siya ay nakikinig sa iyo. Sinasabi mo rin sa iba ang mabubuting bagay tungkol sa iyong kaibigan. Gayundin ang pagiging isang kaibigan ng Diyos. Isaalang-alang ang sinasabi ng Bibliya hinggil dito:

Palagiang makipag-usap kay Jehova sa panalangin. “Magmatiyaga kayo sa pananalangin.”​—Roma 12:12.

Basahin ang Salita ng Diyos, ang Bibliya. “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid ng mga bagay.”​—2 Timoteo 3:16.

Turuan ang iba tungkol sa Diyos. “Humayo kayo samakatuwid at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa, . . . na itinuturo sa kanila na tuparin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo.”​—Mateo 28:​19, 20.

Dalawang Saksi ni Jehova na nangangaral sa isang lalaki

Maging malapit sa mga kaibigan ng Diyos. “Siyang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong.”​—Kawikaan 13:20.

Dumalo sa mga pulong sa Kingdom Hall. “Isaalang-alang natin ang isa’t isa upang mag-udyukan sa pag-ibig at sa maiinam na gawa, . . . nagpapatibayang-loob sa isa’t isa.”​—Hebreo 10:​24, 25.

Tumulong sa pagsuporta sa gawaing pang-Kaharian. “[Ibigay] ng bawat isa ang ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso, nang hindi masama ang loob o sa ilalim ng pamimilit, sapagkat iniibig ng Diyos ang isang masayahing nagbibigay.”​—2 Corinto 9:7.

Mga Saksi ni Jehova sa Kingdom Hall
    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share