Mula Ehipto Tungo sa Lupang Pangako
ALAM ng mga tao sa lahat ng dako ang tungkol sa Pag-alis ng mga Israelita sa Ehipto. Subalit ano kaya ang naghihintay kay Moises at sa bayan ng Diyos pagkatawid nila sa Dagat na Pula? Saan sila patungo, at paano sila nakarating sa Ilog Jordan upang makapasok sa Lupang Pangako?
Patungo sila sa lupain ng Canaan, subalit hindi dumaan sina Moises sa pinakamaikling ruta—mga 400 kilometro sa kahabaan ng mabuhanging baybayin—na deretso sana sa Filistia, na teritoryo ng kaaway. Ni hindi rin sila dumaan patawid sa malawak na sentro ng Peninsula ng Sinai, kung saan parang nagbabaga ang mga talampas ng graba at batong-apog dahil sa tindi ng init. Hindi sila dumaan doon, sa halip ay inakay ni Moises ang bayan patimog, pababa sa makitid na baybaying kapatagan. Ang unang pinagkampuhan nila ay ang Marah, kung saan pinatamis ni Jehova ang mapait na tubig.a Matapos lisanin ang Elim, nagbulung-bulungan ang bayan tungkol sa pagkain; nagpadala ang Diyos ng mga pugo at pagkatapos ay manna. Sa Repidim, naging isyu na naman ang tubig, ang sumasalakay na mga Amalekita ay nalupig, at hinimok si Moises ng kaniyang biyenang lalaki na humingi ng tulong sa mga lalaking may kakayahan.—Exo, kab. 15-18.
Pagkatapos ay inakay ni Moises ang Israel patungo sa kabundukan sa gawi pa roon sa timog at nagkampo sa Bundok Sinai. Ang bayan ng Diyos ay tumanggap doon ng Kautusan, nagtayo ng tabernakulo, at naghandog ng mga hain. Noong ikalawang taon, nagtungo sila sa hilaga at tinahak ang isang ‘ilang na malaki at kakila-kilabot,’ ang paglalakbay sa lugar ng Kades (Kades-barnea), na malamang na inábot nang 11 araw. (Deu 1:1, 2, 19; 8:15) Dahil natakot sa negatibong ulat ng sampung tiktik, napilitang magpagala-gala ang bayan sa loob ng 38 taon. (Bil 13:1–14:34) Kabilang sa hinintuan nila ay ang Abrona at Ezion-geber, at pagkatapos ay bumalik sila sa Kades.—Bil 33:33-36.
Nang sa wakas ay malapit na ang Israel sa Lupang Pangako, hindi dumeretso ang mga Israelita pahilaga. Lumigoy sila sa pinakasentro ng Edom patungong hilaga sa “daan ng hari,” ang Lansangang-Bayan ng Hari. (Bil 21:22; Deu 2:1-8) Hindi ito naging madali para sa buong bansa—na may mga bata, hayop, at mga tolda—na dumaan sa lansangang ito. Kailangan nilang bagtasin ang paliku-likong daan palusong at paahon sa matatarik na bangin—ang Zered at ang Arnon (halos 520 metro ang lalim).—Deu 2:13, 14, 24.
Sa wakas, narating din ng mga Israelita ang Bundok Nebo. Namatay si Miriam sa Kades, at si Aaron, sa Bundok Hor. Si Moises naman ay namatay sa lugar na doo’y natatanaw na ang lupain na hangad niyang mapasok. (Deu 32:48-52; 34:1-5) Ibinigay kay Josue ang pananagutan na akayin ang Israel papasok sa lupain, na tumapos sa isang paglalakbay na nagsimula 40 taon na ang nakalilipas.—Jos 1:1-4.
[Talababa]
a Walang nakaaalam sa eksaktong lugar ng karamihan sa mga kampamento.
[Mapa sa pahina 9]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Ruta ng Pag-alis
Ang Ruta na Dinaanan ng Israel
A7 EHIPTO
A5 Rameses?
B5 Sucot?
C5 Etham?
C5 Pihahirot
D6 Marah
D6 Elim
E6 ILANG NG SIN
E7 Dopka
F8 Repidim
F8 Bdk. Sinai (Horeb)
F8 ILANG NG SINAI
F7 Kibrot-hataava
G7 Hazerot
G6 Rimon-perez
G5 Risa
G3 Kades
G3 Bene-jaakan
G5 Hor-hagidgad
H5 Jotbata
H5 Abrona
H6 Ezion-geber
G3 Kades
G3 ILANG NG ZIN
H3 Bdk. Hor
H3 Zalmona
I3 Punon
I3 Iye-abarim
I2 MOAB
I1 Dibon
I1 Almon-diblataim
H1 Jerico
[Iba pang mga lokasyon]
A3 GOSEN
A4 On
A5 Memfis (Nop)
B3 Zoan
B3 Tapanhes
C5 Migdol
D3 SUR
D5 ILANG NG ETHAM
F5 ILANG NG PARAN
G1 FILISTIA
G1 Asdod
G2 Gaza
G2 Beer-sheba
G3 Azmon
G3 NEGEB
H1 Jerusalem
H1 Hebron (Kiriat-arba)
H2 Arad (Canaanita)
H4 SEIR
H4 EDOM
I7 MIDIAN
Mga Pangunahing Lansangan
Daan Patungo sa Lupain ng mga Filisteo
Daan Patungo sa Sur
I4 Daan ng Hari
Ruta ng mga Pulutong na Naglalakbay
Ruta ng El Haj
[Kabundukan]
F8 Bdk. Sinai (Horeb)
H3 Bdk. Hor
I1 Bdk. Nebo
[Katubigan]
E2 Dagat Mediteraneo (Malaking Dagat)
D7/G7 Dagat na Pula
I1 Dagat Asin
[Mga Ilog at sapa]
A6 Ilog Nilo
F3 A.L. ng Ehipto
I2 Arnon
I3 Zered
[Larawan sa pahina 8]
Tumawid sa Peninsula ng Sinai ang pulutong na naglalakbay
[Larawan sa pahina 8]
Nagkampo ang Israel sa harap ng Bundok Sinai
[Larawan sa pahina 9]
May nakukuhang tubig noon mula sa bukal sa Kades o malapit doon
[Larawan sa pahina 9]
Kinailangang tawirin ng buong Israel ang agusang libis ng Arnon