Ang Jerusalem at ang Templo ni Solomon
TINAWAG itong “ang kasakdalan ng kariktan” at “ang bayan ng dakilang Hari.” (Aw 48:2; 50:2; Pan 2:15) Ang Jerusalem ang kabisera ng bansa ng Diyos. (Aw 76:2) Matapos agawin ni David ang lunsod mula sa mga Jebusita at gawin itong kabisera niya, tinawag itong “Lunsod ni David,” o basta “Sion.”—2Sa 5:7.
Bagaman wala sa isang estratehikong lokasyon, ang Jerusalem ay napabantog dahil inilagay rito ng Diyos ang kaniyang pangalan. (Deu 26:2) Ito ang naging relihiyoso at pampangasiwaang sentro ng bansa.
Ang Jerusalem ay may taas na 750 metro sa gitnang kabundukan ng Judea. Tinutukoy ng Bibliya ang “katayugan” nito at ang mga mananamba na ‘umaahon’ upang marating ito. (Aw 48:2; 122:3, 4) Ang sinaunang lunsod ay napalilibutan ng mga libis: ang Libis ng Hinom sa kanluran at timog at ang agusang libis ng Kidron sa silangan. (2Ha 23:10; Jer 31:40) Ang bukal ng Gihona sa Libis ng Kidron at ang En-rogel sa timog ay nagsusuplay ng maiinom na tubig, na kailangang-kailangan kapag sumasalakay ang mga kaaway.—2Sa 17:17.
Sa dayagram sa pahina 21, ang Lunsod ni David ay kulay-pula. Noong panahon ng paghahari nina David at Solomon, ang lunsod ay lumawak pahilaga at napalakip ang Opel (kulay-berde) at ang Bundok Moria (kulay-asul). (2Sa 5:7-9; 24:16-25) Nagtayo si Solomon ng isang maringal na templo para kay Jehova sa mas mataas na dakong iyon. Gunigunihin na lamang ang napakaraming mananambang umaahon sa “bundok ni Jehova” para sa taunang mga kapistahan! (Zac 8:3) Naging madali ang gayong paglalakbay dahil sa magkakarugtong na daan na makikita sa pahina 17.
Ang templo ni Solomon, na nagagayakan ng ginto at mamahaling mga bato, ay isa sa pinakamahal na gusaling naitayo kailanman. Ang mahalaga, si Jehova ang naglaan ng arkitektural na plano nito. Gaya ng makikita mo sa ipinintang larawan, ang templo ay napaliligiran ng malalaking looban at mga gusaling pampangasiwaan. Sulit lamang na pag-aralan mo ang mga detalye nito.—1Ha 6:1–7:51; 1Cr 28:11-19; Heb 9:23, 24.
[Talababa]
a Sinarhan ni Haring Hezekias ang bukal na ito at gumawa siya ng isang tunel patungo sa tipunang-tubig sa kanlurang panig.—2Cr 32:4, 30.
[Dayagram/Larawan sa pahina 21]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Jerusalem/Templo ni Solomon
LUGAR NG TEMPLO NOONG PANAHON NI SOLOMON
Mga Bahagi ng Templo
1. Kabanal-banalan
2. Banal
3. Beranda
4. Boaz
5. Jakin
6. Altar na Tanso
7. Binubong Dagat
8. Mga Karwahe
9. Mga Tagilirang Silid
10. Mga Silid-Kainan
11. Pinakaloob na Looban
LUGAR NG TEMPLO
Bdk. Moria
Mga Silid-Kainan
Mga Karwahe
Mga Tagilirang Silid
Kabanal-banalan
Boaz
Banal
Beranda
Altar na Tanso
Pinakaloob na Looban
Mga Karwahe
Jakin
Binubong Dagat
Opel
Liwasan?
Pintuang-daan ng Tubig?
LUNSOD NI DAVID
Bdk. Sion
Palasyo ni David
Pintuang-daan ng Bukal
Pader ni Manases?
Tore ng Hananel
Tore ng Mea
Pintuang-daan ng mga Tupa
Pintuang-daan ng Bantay
Pintuang-daan ng Pagsisiyasat
Pintuang-daan ng mga Kabayo
LIBIS NG KIDRON
Mas Mababang Pader?
Gihon
Mas huling tunel ng tubig
LIBIS NG TYROPOEON
Pintuang-daan ng mga Bunton ng Abo (mga Basag na Palayok) (Dumi)
En-rogel
Pintuang-daan ng Libis
LIBIS NG HINOM
Panulukang Pintuang-daan
Tore ng mga Lutuang Pugon
Malapad na Pader
Pintuang-daan ng Efraim
Liwasan
Pintuang-daan ng Matandang Lunsod
Naunang Pader sa Hilaga
IKALAWANG PUROK
Pintuang-daan ng mga Isda
[Larawan]
Opel
Bahay ng Anak na Babae ni Paraon
Palasyo ni Solomon
Bahay ng Kagubatan ng Lebanon
Beranda ng mga Haligi
Beranda ng Trono
Bdk. Moria
Malaking Looban
Templo
[Larawan sa pahina 20]
Nasa dakong unahan ang “Lunsod ni David.” Ang templo ay nasa patag na lugar (sa likuran)
[Larawan sa pahina 20]
Ang sinaunang “Lunsod ni David” at ang templo ni Solomon ayon sa pagkakagawa sa computer