SEKSIYON 2
Kilalanin si Jehova at Paglingkuran Siya
Ano ang nilalaman ng mga aklat ng 12 propeta na nag-uudyok sa atin na makilala nang higit pa si Jehova? Bakit lubhang kapaki-pakinabang ngayon ang mga mensahe ni Jehova na ipinahayag ng mga propetang iyon? Habang pinag-aaralan mo ang Kabanata 4 hanggang 7 ng aklat na ito, magkakaroon ka ng ideya kung paano mo dapat sambahin ang Diyos at ikapit ang kaniyang mga pamantayan. Halimbawa, paano mo maipakikita ang katarungan sa iyong pakikitungo sa iba batay sa inaasahan sa iyo ng Diyos? Oo, masusumpungan mong mapabubuti ng 12 makahulang aklat na ito ang iyong buhay ngayon.