SEKSIYON 4
May-Kagalakang Hintayin ang Araw ni Jehova
Ginamit ni Jehova ang kaniyang mga propeta upang magbabala tungkol sa hinaharap—ang pagbubuhos ng kaniyang galit. Subalit hindi natin dapat isipin na siya ay isang galít na Diyos. Siya ay ‘nagagalak sa kaniyang bayan na may mga hiyaw ng kaligayahan.’ Samantalang hinihintay ang kaniyang dakilang araw, mayroon tayong lahat ng dahilan upang “magsaya . . . at magbunyi nang buong puso.” (Zefanias 3:14, 17) Paano mo maipakikita sa iyong mga kilos at saloobin ang kagalakan? At bakit ka makapagpapasalamat sa natututuhan mo mula sa 12 makahulang aklat?