Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • bm seksiyon 6 p. 9
  • Nanatiling Tapat si Job

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nanatiling Tapat si Job
  • Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?
  • Kaparehong Materyal
  • Pinarangalan ni Job ang Pangalan ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Ang Katapatan ni Job—Sino ang Makatutulad Doon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Ang Katapatan ni Job—Bakit Totoong Pambihira?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • “Mananatili Akong Tapat”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
Iba Pa
Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?
bm seksiyon 6 p. 9
Si Job na may mga bukol sa katawan

SEKSIYON 6

Nanatiling Tapat si Job

Hinamon ni Satanas ang katapatan ni Job sa Diyos, pero nanatiling tapat si Job

MAY tao kayang makapananatiling tapat sa Diyos kahit dumaranas ng napakatinding pagsubok, o kahit wala namang makukuhang materyal na pakinabang sa pagsunod sa Kaniya? Ang tanong na iyan ay bumangon​—at nasagot​—sa kaso ni Job.

Noong nasa Ehipto pa ang mga Israelita, ang kamag-anak ni Abraham na si Job ay naninirahan sa lugar na kilala ngayon bilang Arabia. Samantala, nagtipun-tipon ang mga anghel sa harapan ng Diyos, at isa na rito ang rebeldeng si Satanas. Bago ang pagtitipong iyon sa langit, ipinahayag na ni Jehova ang kaniyang pagtitiwala sa kaniyang tapat na lingkod na si Job. Sa katunayan, sinabi ni Jehova na walang ibang taong nakapantay sa katapatan ni Job. Pero iginiit ni Satanas na naglilingkod lang daw si Job sa Diyos dahil sa nakukuha nitong biyaya at proteksiyon. Sinabi rin ni Satanas na kung aalisin kay Job ang lahat ng tinataglay nito, isusumpa nito ang Diyos.

Mga anghel sa langit na nagtitipon sa harap ng Diyos at kasama si Satanas

Hinayaan ng Diyos si Satanas na kunin ang lahat kay Job​—ang kaniyang kayamanan, mga anak, at kalusugan. Palibhasa’y hindi alam ni Job na si Satanas ang nasa likod ng lahat ng ito, hindi niya maintindihan kung bakit hinayaan ng Diyos na dumanas siya ng ganitong mga pagsubok. Gayunman, hindi pa rin niya itinakwil ang Diyos.

Tatlong naturingang kaibigan ni Job ang lumapit sa kaniya. Sa kanilang pakikipag-usap kay Job na nakasulat sa maraming pahina ng aklat ng Job, isiniksik nila sa isipan niya na pinarurusahan siya ng Diyos dahil may itinatago siyang mga kasalanan. Sinabi pa nga nila na ang Diyos ay hindi natutuwa sa kaniyang mga lingkod ni nagtitiwala man sa mga ito. Hindi pinatulan ni Job ang kanilang maling pangangatuwiran. Buong-pagtitiwalang sinabi ni Job na mananatili siyang tapat hanggang kamatayan!

Pero masyado namang naging mapagmatuwid sa sarili si Job. Nagsalita ngayon ang nakababatang si Elihu, na nakikinig sa kanilang pagtatalo. Itinuwid ni Elihu si Job dahil naging mas importante pa rito ang sariling reputasyon kaysa sa pagbabangong-puri sa soberanya ng Diyos na Jehova. Pero mariin ding sinaway ni Elihu ang mga naturingang kaibigan ni Job.

Ang Diyos na Jehova naman ang nagsalita kay Job, at itinuwid Niya ang pag-iisip nito. Tinulungan ni Jehova si Job na makita ang napakalaking kahigitan ng Diyos sa hamak na tao sa pamamagitan ng pagbanggit sa maraming kamangha-manghang bagay sa paglalang. Mapagpakumbaba namang tinanggap ni Job ang pagtutuwid ng Diyos. Palibhasa’y “napakamagiliw sa pagmamahal at maawain,” ibinalik ni Jehova ang kalusugan ni Job, dinoble ang dati niyang kayamanan, at biniyayaan ng sampung anak. (Santiago 5:11) Dahil nanatiling tapat si Job kay Jehova, matagumpay niyang nasagot ang hamon ni Satanas na hindi raw mananatiling tapat sa Diyos ang mga tao sa ilalim ng pagsubok.

​—Batay sa aklat ng Job.

  • Anong hamon ang ibinangon ni Satanas may kinalaman kay Job?

  • Ano ang naging resulta ng pananatiling tapat ni Job kay Jehova?

ANG NAPAKAHALAGANG ISYU

Nang igiit ni Satanas na naglilingkod lamang si Job kay Jehova dahil sa mga pakinabang na nakukuha niya, para na rin niyang sinabi na gayundin ang lahat ng iba pang matatalinong nilalang. Sa gayo’y kinuwestiyon ni Satanas ang katapatan ng tao kay Jehova. Ang isyung ito ay bahagi ng napakahalagang isyu na ibinangon ni Satanas sa Eden​—kung karapat-dapat bang mamahala si Jehova at kung matuwid ang kaniyang soberanya. Ipinakikita ng aklat ng Job na ang matatalinong nilalang ay may papel sa pagbabangong-puri sa soberanya ni Jehova sa pamamagitan ng pananatiling tapat sa Kaniya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share