Talâ ng Mahahalagang Pangyayari
“Nang pasimula . . .”
4026 B.C.E. Nilalang si Adan
3096 B.C.E. Namatay si Adan
2370 B.C.E. Naganap ang Baha
2018 B.C.E. Ipinanganak si Abraham
1943 B.C.E. Tipang Abrahamiko
1750 B.C.E. Ipinagbili si Jose bilang alipin
bago 1613 B.C.E. Sinubok si Job
1513 B.C.E. Pag-alis sa Ehipto
1473 B.C.E. Pumasok ang Israel sa Canaan sa pangunguna ni Josue
1467 B.C.E. Nasakop ang kalakhang bahagi ng Canaan
1117 B.C.E. Pinahiran si Saul bilang hari
1070 Tipan ng Diyos kay David
1037 B.C.E. Naging hari si Solomon
1027 B.C.E. Natapos ang templo sa Jerusalem
mga 1020 B.C.E. Natapos ang Awit ni Solomon
997 B.C.E. Nahati sa dalawang kaharian ang Israel
mga 717 B.C.E. Nakumpleto ang Mga Kawikaan
607 B.C.E. Winasak ang Jerusalem; mga Judio dinalang bihag sa Babilonya
539 B.C.E. Bumagsak ang Babilonya sa kamay ni Ciro
537 B.C.E. Bumalik sa Jerusalem ang mga Judio
455 B.C.E. Muling itinayo ang pader ng Jerusalem; nagsimula ang 69 na “sanlinggo”
Pagkatapos ng 443 B.C.E. Natapos ni Malakias ang makahulang aklat niya
mga 2 B.C.E. Ipinanganak si Jesus
29 C.E. Nabautismuhan si Jesus at sinimulan niyang ipangaral ang Kaharian ng Diyos
31 C.E. Pumili si Jesus ng 12 apostol; ipinahayag ang Sermon sa Bundok
32 C.E. Binuhay-muli ni Jesus si Lazaro
Nisan 14, 33 C.E. Ipinako si Jesus sa tulos (Ang Nisan ay sa pagitan ng Marso at Abril)
Nisan 16, 33 C.E. Binuhay-muli si Jesus
Sivan 6, 33 C.E. Pentecostes; ibinuhos ang banal na espiritu (Ang Sivan ay sa pagitan ng Mayo at Hunyo)
36 C.E. Naging Kristiyano si Cornelio
mga 47-48 C.E. Unang paglalakbay-misyonero ni Pablo
mga 49-52 C.E. Ikalawang paglalakbay-misyonero ni Pablo
mga 52-56 C.E. Ikatlong paglalakbay-misyonero ni Pablo
mga 60-61 C.E. Sumulat ng mga liham si Pablo habang nakabilanggo sa Roma
bago 62 C.E. Isinulat ni Santiago, kapatid sa ina ni Jesus, ang kaniyang liham
66 C.E. Naghimagsik ang mga Judio laban sa Roma
70 C.E. Winasak ng mga Romano ang Jerusalem at ang templo nito
mga 96 C.E. Isinulat ni Juan ang Apocalipsis
mga 100 C.E. Namatay si Juan, ang natitirang apostol