Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ll bahagi 5 p. 12-13
  • Babala Tungkol sa Malaking Baha—Sino ang Nakinig? Sino ang Hindi?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Babala Tungkol sa Malaking Baha—Sino ang Nakinig? Sino ang Hindi?
  • Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Arka ni Noe
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Nagtayo si Noe ng Daong
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Siya ay “Lumakad na Kasama ng Tunay na Diyos”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • Siya ay “Lumakad na Kasama ng Tunay na Diyos”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
Iba Pa
Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
ll bahagi 5 p. 12-13

BAHAGI 5

Babala Tungkol sa Malaking Baha​—Sino ang Nakinig? Sino ang Hindi?

Gumagawa ng masama ang karamihan noong panahon ni Noe. Genesis 6:5

Masasamang anghel na nagkatawang-tao at nakisama sa mga babae

Nagkaroon ng mga anak sina Adan at Eva, at dumami ang tao sa lupa. Nang maglaon, sumama ang ibang anghel kay Satanas sa pagrerebelde.

Bumaba sila sa lupa, nagkatawang-tao, at nag-asawa ng mga babae. Nagsilang ang mga ito ng mga anak na mababangis at mas malalakas kaysa sa mga tao.

Sinusuntok ng isang batang lalaki ang isang babaeng may hawak na sanggol; mararahas na Nefilim, na mga anak ng masasamang anghel

Napunô ng masasamang tao ang lupa. Sinasabi ng Bibliya na “laganap na sa lupa ang kasamaan ng tao at ang laman ng isip at puso nito ay lagi na lang masama.”

Nakinig si Noe sa Diyos at nagtayo ng arka. Genesis 6:13, 14, 18, 19, 22

Nakinig sa Diyos si Noe

Mabuting tao si Noe. Sinabi ni Jehova kay Noe na pupuksain Niya ang masasama sa pamamagitan ng isang malaking baha.

Gumagawa ng arka si Noe at ang pamilya niya

Inutusan din ng Diyos si Noe na gumawa ng isang malaking bangka, o arka, at pumasok doon kasama ang pamilya niya at ang lahat ng uri ng hayop.

Nagbababala si Noe sa mga tao tungkol sa paparating na Baha, pero pinagtawanan nila siya

Nagbabala si Noe sa mga tao tungkol sa paparating na Baha, pero hindi sila nakinig. Pinagtawanan ng ilan si Noe; nagalit naman ang iba sa kaniya.

Ipinapasok ni Noe at ng pamilya niya ang mga hayop sa loob ng arka

Nang matapos ang arka, ipinasok ni Noe ang mga hayop.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share