Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • T-31 p. 1-4
  • Ano Kaya ang Mangyayari sa Hinaharap?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano Kaya ang Mangyayari sa Hinaharap?
  • Ano Kaya ang Mangyayari sa Hinaharap?
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Kaharian ng Diyos?
    Ano ang Kaharian ng Diyos?
  • Matatapos Pa Ba ang Pagdurusa?
    Matatapos Pa ba ang Pagdurusa?
  • Sino ang Kumokontrol sa Mundo?
    Sino Talaga ang Kumokontrol sa Mundo?
  • Puwede Pa Bang Mabuhay ang mga Patay?
    Puwede Pa Bang Mabuhay ang mga Patay?
Iba Pa
Ano Kaya ang Mangyayari sa Hinaharap?
T-31 p. 1-4

Ano Kaya ang Mangyayari sa Hinaharap?

Ang mundo ba ay . . .

  • mananatiling ganito?

  • lalala?

  • bubuti?

ANG SABI NG BIBLIYA

“Papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa mga mata nila, at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot. Ang dating mga bagay ay lumipas na.”—Apocalipsis 21:4, Bagong Sanlibutang Salin.

ANO ANG MAITUTULONG NITO SA IYO?

Magkakaroon ka ng makabuluhan at kasiya-siyang trabaho.—Isaias 65:21-23.

Hindi ka na magkakasakit o magdurusa.—Isaias 25:8; 33:24.

Mabubuhay ka nang maligaya at walang hanggan kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan.—Awit 37:11, 29.

Lalaki at babae na positibo ang pananaw sa hinaharap; batang nagdidilig ng halaman; construction worker na nagtatayo ng bahay

MAPANINIWALAAN BA NATIN ANG SINASABI NG BIBLIYA?

Oo, sa dalawang dahilan:

  • Kayang tuparin ng Diyos ang pangako niya. Sa Bibliya, ang Diyos na Jehova lang ang tinatawag na “Makapangyarihan-sa-Lahat,” dahil walang limitasyon ang kaniyang kapangyarihan. (Apocalipsis 15:3) Kaya magagawa niyang tuparin ang kaniyang pangako na baguhin ang kalagayan ng mundo. Gaya nga ng sinasabi ng Bibliya, “sa Diyos ay posible ang lahat ng bagay.”—Mateo 19:26.

  • Gustong tuparin ng Diyos ang pangako niya. Halimbawa, sabik si Jehova na buhaying muli ang mga namatay.—Job 14:14, 15.

    Mababasa rin sa Bibliya na ang Anak ng Diyos, si Jesus, ay nagpagaling ng maysakit. Bakit? Dahil gusto niyang gawin iyon. (Marcos 1:40, 41) Tulad ng kaniyang Ama, gustong tulungan ni Jesus ang mga nangangailangan. —Juan 5:19.

    Kaya nakasisiguro tayong gusto ni Jehova at ni Jesus na tulungan tayong magkaroon ng maligayang kinabukasan!—Awit 72:12-14; 145:16; 2 Pedro 3:9.

PAG-ISIPAN ITO

Kamay na nakaturo sa isang talata sa Bibliya

Paano mapapabuti ng Diyos ang kalagayan ng mundo?

Sinasagot iyan ng Bibliya sa MATEO 6:9, 10 at DANIEL 2:44.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share