Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yc leksiyon 13 p. 28-29
  • Gustong Tumulong ni Timoteo sa mga Tao

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gustong Tumulong ni Timoteo sa mga Tao
  • Turuan ang Iyong mga Anak
  • Kaparehong Materyal
  • Si Timoteo—Handang Maglingkod
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Sina Pablo at Timoteo
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Timoteo—“Isang Tunay na Anak sa Pananampalataya”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • “Ang Aking Minamahal at Tapat na Anak sa Panginoon”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
Iba Pa
Turuan ang Iyong mga Anak
yc leksiyon 13 p. 28-29
Ang batang si Timoteo na tinuturuan ng kaniyang nanay na si Eunice at lolang si Loida

LEKSIYON 13

Gustong Tumulong ni Timoteo sa mga Tao

Si Timoteo ay isang kabataang lalaki na gustong-gustong tumulong sa mga tao. Nagpunta siya sa maraming lugar para tulungan ang iba. Kaya napakasaya niya. Gusto mo bang malaman kung ano ang mga ginawa niya?​—

Si Timoteo ay tinuruan ng kaniyang nanay at lola tungkol kay Jehova

Lumaki si Timoteo sa lunsod ng Listra. Bata pa lang siya, tinuturuan na siya tungkol kay Jehova ng kaniyang lolang si Loida at ng nanay niyang si Eunice. Kaya nang malaki na si Timoteo, gusto niyang tulungan ang mga tao na makilala si Jehova.

Tin-edyer pa lang noon si Timoteo nang tanungin siya ni Pablo kung gusto niyang sumama sa iba’t ibang lugar para magturo tungkol sa Diyos. Sumagot si Timoteo: ‘Sige po!’ Handang sumama si Timoteo at tumulong sa mga tao.

Magkasamang pumunta si Timoteo at si Pablo sa Tesalonica, isang lunsod sa Macedonia. Kailangan nilang maglakad nang malayo at sumakay sa barko. Nang makarating sila doon, tinulungan nila ang maraming tao na makilala si Jehova. Pero may mga nagalit at gusto silang saktan. Kaya umalis doon sina Pablo at Timoteo at sa ibang lugar na lang sila nagturo.

Si Timoteo habang naglalakbay na kasama ni Pablo sa bangka

Masaya ang buhay ni Timoteo

Pagkaraan ng ilang buwan, pinapabalik ni Pablo si Timoteo sa Tesalonica para kumustahin ang mga kapatid na Kristiyano doon. Nakakatakot bumalik sa lugar na iyon kasi delikado! Pero pumunta pa rin si Timoteo kasi nag-aalala siya sa mga kapatid. Magandang balita ang dala niya pagbalik kay Pablo! Napakasigla ng mga kapatid sa Tesalonica!

Naglingkod si Timoteo kasama si Pablo sa loob ng maraming taon. Minsan, isinulat ni Pablo na si Timoteo ang tamang-tamang ipadala sa mga kongregasyon. Mahal ni Timoteo si Jehova pati ang mga tao.

Mahal mo ba ang mga tao at gusto mo silang tulungan na makilala si Jehova?​— Kung oo, magiging masaya ka gaya ni Timoteo!

BASAHIN SA IYONG BIBLIYA

  • 2 Timoteo 1:5; 3:15

  • Gawa 16:​1-5; 17:​1-10

  • 1 Tesalonica 3:​2-7

  • Filipos 2:​19-22

MGA TANONG:

  • Saan lumaki si Timoteo?

  • Gusto bang sumama ni Timoteo kay Pablo? Bakit?

  • Bakit bumalik si Timoteo sa Tesalonica?

  • Paano ka magiging masaya gaya ni Timoteo?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share