Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • hf seksiyon 4 mga bahagi 1-2
  • Kung Paano Magbabadyet ng Pera

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Magbabadyet ng Pera
  • Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • 1 MAGPLANONG MABUTI
  • 2 MAGING TAPAT AT MAKATOTOHANAN
  • Pagbabadyet ng Pera
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Balanseng Pananaw sa Pera
    Gumising!—2015
  • Pera
    Gumising!—2014
  • Pera Ba ang Ugat ng Lahat ng Kasamaan?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
hf seksiyon 4 mga bahagi 1-2
Nagbabadyet ng pera ang mag-asawa

SEKSIYON 4

Kung Paano Magbabadyet ng Pera

“Sa mga nagsasanggunian ay may karunungan.”​—Kawikaan 13:10

Kailangan natin ng pera para mapaglaanan ang ating pamilya. (Kawikaan 30:8) Tutal, “ang salapi ay pananggalang.” (Eclesiastes 7:12) Baka mahirap para sa inyong mag-asawa na pag-usapan ang tungkol sa pera. Pero huwag hayaang maging problema ito sa inyong pagsasama. (Efeso 4:32) Dapat kayong magtiwala sa isa’t isa at magkasamang magdesisyon kung paano magbabadyet.

1 MAGPLANONG MABUTI

ANG SABI NG BIBLIYA: “Sino sa inyo na nais magtayo ng tore ang hindi muna uupo at tutuusin ang gastusin, upang makita kung mayroon siyang sapat upang matapos iyon?” (Lucas 14:28) Napakahalagang planuhing magkasama kung paano gagamitin ang inyong pera. (Amos 3:3) Alamin kung ano ang kailangang bilhin at kung magkano lang ang inyong badyet. (Kawikaan 31:16) Hindi komo may pambili ka ay bibili ka na. Iwasang mangutang. Gumastos lang ayon sa pera mo.​—Kawikaan 21:5; 22:7.

ANG PUWEDE MONG GAWIN:

  • Kung may sobrang pera sa katapusan ng buwan, pag-usapan kung ano ang gagawin ninyo rito

  • Kung kapusin naman kayo, planuhin kung paano babawasan ang inyong gastusin. Halimbawa, magluto na lang imbes na kumain sa labas

Pinag-iisipan ng mag-asawa ang mahahalaga nilang gastusin

2 MAGING TAPAT AT MAKATOTOHANAN

ANG SABI NG BIBLIYA: “Gumawi nang matapat sa lahat ng bagay.” (Hebreo 13:18) Sabihin sa iyong asawa ang totoo mong kita at gastos.

Laging kumonsulta muna sa asawa bago gumawa ng malalaking desisyon tungkol sa pera. (Kawikaan 13:10) Kung gagawin ninyo ito, maiiwasan ang pagtatalo. Isipin na ang kita mo ay hindi mo lang pera, kundi pera ng pamilya.​—1 Timoteo 5:8.

Tinitingnan ng mag-asawa ang listahan ng kanilang bibilhin

ANG PUWEDE MONG GAWIN:

  • Pagkasunduan ang halaga na puwedeng gastusin ng bawat isa nang hindi na nagpapaalam

  • Huwag hintaying magkaproblema bago pag-usapan ang tungkol sa pera

ANG PANANAW MO SA PERA

Bagaman mahalaga ang pera, huwag hayaang sirain nito ang inyong pagsasama o pagmulan ng di-kinakailangang stress. (Mateo 6:25-34) Hindi mo kailangan ng maraming pera para sumaya. Sinasabi ng Bibliya: “Magbantay kayo laban sa bawat uri ng kaimbutan.” (Lucas 12:15) Hindi matutumbasan ng pera ang halaga ng inyong pagsasama. Kaya makontento sa kung anong mayroon ka, at huwag kalimutan ang kaugnayan mo sa Diyos. Kung gagawin mo ito, magiging masaya ang iyong pamilya at pagpapalain ka ni Jehova.​—Hebreo 13:5.

TANUNGIN ANG SARILI . . .

  • Ano ang puwedeng gawin ng aming pamilya para hindi magkautang?

  • Kailan namin huling pinag-usapang mag-asawa ang tungkol sa pera?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share