Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • od p. 185-192
  • Bahagi 1: Paniniwala ng mga Kristiyano

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bahagi 1: Paniniwala ng mga Kristiyano
  • Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ba ang Kaharian ng Diyos?
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Ang Mensahe na Dapat Nating Ipahayag
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • May Taning Na ang mga Araw ng Satanismo
    Gumising!—1994
  • Panalangin
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
Iba Pa
Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
od p. 185-192

MGA TANONG PARA SA GUSTONG MAGPABAUTISMO

Bahagi 1: Paniniwala ng mga Kristiyano

Nalaman mo ang katotohanan nang mag-aral ka ng Bibliya kasama ng mga Saksi ni Jehova. Tiyak na nakatulong ang mga natutuhan mo para magkaroon ka ng malapít na kaugnayan sa Diyos at ng pag-asang buhay sa hinaharap at mga pagpapala sa isang paraisong lupa sa ilalim ng Kaharian ng Diyos. Tumibay ang pananampalataya mo sa Salita ng Diyos, at dahil sa pakikisama sa kongregasyong Kristiyano, marami ka nang natanggap na pagpapala. Naunawaan mo rin kung paano nakikitungo si Jehova sa kaniyang bayan sa ngayon.​—Zac. 8:23.

At ngayong naghahanda ka na para sa bautismo, makikinabang ka mula sa pagrerepaso sa iyo ng mga elder sa mahahalagang paniniwala ng mga Kristiyano. (Heb. 6:1-3) Patuloy sanang pagpalain ni Jehova ang mga pagsisikap mo na makilala siya, at ibigay niya nawa sa iyo ang ipinangakong gantimpala.​—Juan 17:3.

1. Bakit gusto mong magpabautismo?

2. Sino si Jehova?

• “Si Jehova ang tunay na Diyos sa langit at sa lupa. Wala nang iba pa.”​—Deut. 4:39.

• “Ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lang ang Kataas-taasan sa buong lupa.”​—Awit 83:18.

3. Bakit mahalaga na gamitin mo ang personal na pangalan ng Diyos?

• “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang pangalan mo.’”—Mat. 6:9.

• “Ang bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova ay maliligtas.”​—Roma 10:13.

4. Ano ang ilang terminong ginamit sa Bibliya para ilarawan si Jehova?

• “Si Jehova, ang Maylalang ng lahat ng nasa lupa, ay Diyos magpakailanman.”​—Isa. 40:28.

• “Ama namin na nasa langit.”​—Mat. 6:9.

• “Ang Diyos ay pag-ibig.”​—1 Juan 4:8.

5. Ano ang maibibigay mo sa Diyos na Jehova?

• “Dapat mong ibigin si Jehova na iyong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa mo at nang buong pag-iisip mo at nang buong lakas mo.”​—Mar. 12:30.

• “Si Jehova na iyong Diyos ang dapat mong sambahin, at siya lang ang dapat mong paglingkuran.”​—Luc. 4:8.

6. Bakit gusto mong maging tapat kay Jehova?

• “Magpakarunong ka, anak ko, at pasayahin mo ang puso ko para may maisagot ako sa tumutuya sa akin.”​—Kaw. 27:11.

7. Kanino ka nananalangin, at sa pamamagitan nino?

• “Tinitiyak ko [ni Jesus] sa inyo, kung hihingi kayo sa Ama ng anuman, ibibigay niya iyon sa inyo sa pangalan ko.”​—Juan 16:23.

8. Ano ang mga puwede mong ipanalangin?

• “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang Kaharian mo. Mangyari nawa ang kalooban mo, kung paano sa langit, gayon din sa lupa. Bigyan mo kami ng pagkain para sa araw na ito; at patawarin mo kami sa mga kasalanan namin, kung paanong pinatatawad namin ang mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang mahulog sa tukso, kundi iligtas mo kami mula sa isa na masama.’”—Mat. 6:9-13.

• “Nagtitiwala tayo sa Diyos na anuman ang hingin natin ayon sa kalooban niya ay ibibigay niya.”​—1 Juan 5:14.

9. Bakit hindi pinakikinggan ni Jehova ang ilang panalangin?

• “Hihingi sila ng saklolo kay Jehova, pero hindi niya sila sasagutin . . . dahil sa masasamang ginagawa nila.”​—Mik. 3:4.

• “Ang mga mata ni Jehova ay nakatingin sa mga matuwid, at ang mga tainga niya ay nakikinig sa kanilang pagsusumamo, pero si Jehova ay laban sa mga gumagawa ng masama.”​—1 Ped. 3:12.

10. Sino si Jesu-Kristo?

• “Sumagot si Simon Pedro: ‘Ikaw ang Kristo, ang Anak ng buháy na Diyos.’”—Mat. 16:16.

11. Bakit pumarito si Jesus sa lupa?

• “Ang Anak ng tao ay dumating, hindi para paglingkuran, kundi para maglingkod at ibigay ang buhay niya bilang pantubos na kapalit ng marami.”​—Mat. 20:28.

• “Dapat ko [ni Jesus] ring ihayag sa ibang lunsod ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos dahil isinugo ako para dito.”​—Luc. 4:43.

12. Paano mo maipapakita ang pasasalamat mo sa sakripisyo ni Jesus?

• “Namatay siya para sa lahat, nang sa gayon, ang mga nabubuhay ay hindi na mabuhay para sa sarili nila, kundi para sa kaniya na namatay alang-alang sa kanila at binuhay-muli.”​—2 Cor. 5:15.

13. Anong awtoridad ang ibinigay kay Jesus?

• “Ang lahat ng awtoridad ay ibinigay na sa akin sa langit at sa lupa.”​—Mat. 28:18.

• “Binigyan siya ng Diyos ng isang nakatataas na posisyon at ng pangalang nakahihigit sa lahat ng iba pang pangalan.”​—Fil. 2:9.

14. Naniniwala ka ba na ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang “tapat at matalinong alipin” na inatasan ni Jesus?

• “Sino talaga ang tapat at matalinong alipin na inatasan ng panginoon niya sa mga lingkod ng sambahayan nito, para magbigay sa kanila ng pagkain sa tamang panahon?”—Mat. 24:45.

15. Ang banal na espiritu ba ay isang persona?

• “Sumagot ang anghel: ‘Sasaiyo ang banal na espiritu, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya ang isisilang mo ay tatawaging banal, Anak ng Diyos.’”—Luc. 1:35.

• “Kung kayo na makasalanan ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa mga anak ninyo, lalo pa nga ang Ama sa langit! Magbibigay siya ng banal na espiritu sa mga humihingi sa kaniya.”​—Luc. 11:13.

16. Paano ginagamit ni Jehova ang kaniyang banal na espiritu?

• “Sa pamamagitan ng salita ni Jehova ay nalikha ang langit, at sa pamamagitan ng espiritu ng kaniyang bibig ay nalikha ang lahat ng naroon.”​—Awit 33:6.

• “Tatanggap kayo ng kapangyarihan kapag dumating sa inyo ang banal na espiritu, at magiging mga saksi ko kayo . . . hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.”​—Gawa 1:8.

• “Walang hula sa Kasulatan ang galing sa personal na interpretasyon. Dahil ang hula ay hindi kailanman dumating sa pamamagitan ng kalooban ng tao, kundi ang mga tao ay nagsalita mula sa Diyos habang ginagabayan sila ng banal na espiritu.”​—2 Ped. 1:20, 21.

17. Ano ang Kaharian ng Diyos?

• “Ang Diyos ng langit ay magtatatag ng isang kaharian na hindi mawawasak kailanman. At ang kahariang ito ay hindi ibibigay sa ibang bayan. Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng kahariang iyon, at ito lang ang mananatili magpakailanman.”​—Dan. 2:44.

18. Anong mga pagpapala ang mararanasan mo sa ilalim ng Kaharian ng Diyos?

• “Papahirin niya ang bawat luha sa mga mata nila, at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot. Ang dating mga bagay ay lumipas na.”​—Apoc. 21:4.

19. Bakit kumbinsido ka na malapit nang dumating ang mga pagpapala ng Kaharian?

• “Lumapit sa kaniya ang mga alagad nang sarilinan at nagsabi: ‘Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga ito, at ano ang magiging tanda ng presensiya mo at ng katapusan ng sistemang ito?’ Sumagot si Jesus: ‘. . . Maglalabanan ang mga bansa at mga kaharian, at magkakaroon ng taggutom at lindol sa iba’t ibang lugar. At ang mabuting balitang ito tungkol sa Kaharian ay ipangangaral sa buong lupa para marinig ng lahat ng bansa, at pagkatapos ay darating ang wakas.’”—Mat. 24:3, 4, 7, 14.

• “Sa mga huling araw, magiging mapanganib at mahirap ang kalagayan. Dahil ang mga tao ay magiging makasarili, maibigin sa pera, mayabang, mapagmataas, mamumusong, masuwayin sa magulang, walang utang na loob, di-tapat, walang likas na pagmamahal, ayaw makipagkasundo, maninirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, mabangis, napopoot sa kabutihan, taksil, matigas ang ulo, mapagmalaki, maibigin sa kaluguran sa halip na maibigin sa Diyos, at mukhang makadiyos pero iba naman ang paraan ng pamumuhay.”​—2 Tim. 3:1-5.

20. Paano mo maipapakita na mahalaga sa iyo ang Kaharian?

• “Patuloy ninyong unahin ang Kaharian at ang katuwiran niya.”​—Mat. 6:33.

• “Sinabi ni Jesus sa mga alagad niya: ‘Kung gusto ng isa na sumunod sa akin, dapat niyang itakwil ang kaniyang sarili at buhatin ang kaniyang pahirapang tulos at patuloy akong sundan.’”—Mat. 16:24.

21. Sino si Satanas at ang mga demonyo?

• “Kayo ay mula sa inyong amang Diyablo . . . Mamamatay-tao siya nang siya ay magsimula.”​—Juan 8:44.

• “Inihagis ang malaking dragon, ang orihinal na ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, na nagliligaw sa buong mundo; inihagis siya sa lupa, at ang mga anghel niya ay inihagis na kasama niya.”​—Apoc. 12:9.

22. Ano ang akusasyon ni Satanas kay Jehova at sa mga sumasamba sa Kaniya?

• “Sumagot ang babae sa ahas: ‘Puwede kaming kumain ng bunga ng mga puno sa hardin. Pero kung tungkol sa bunga ng puno na nasa gitna ng hardin, sinabi ng Diyos: “Huwag kayong kakain ng bunga mula sa punong iyon at huwag ninyong hihipuin iyon para hindi kayo mamatay.”’ At sinabi ng ahas sa babae: ‘Tiyak na hindi kayo mamamatay. Dahil alam ng Diyos na sa mismong araw na kumain kayo ng bunga mula sa punong iyon, mabubuksan ang mga mata ninyo at magiging tulad kayo ng Diyos, na nakaaalam ng mabuti at masama.’”—Gen. 3:2-5.

• “Sumagot si Satanas kay Jehova: ‘Balat para sa balat. Ibibigay ng isang tao ang lahat ng kaniya para sa buhay niya.’”—Job 2:4.

23. Paano mo mapatutunayang mali ang akusasyon ni Satanas?

• “Maglingkod ka sa [Diyos] nang buong puso.”​—1 Cro. 28:9.

• “Mananatili akong tapat hanggang kamatayan!”—Job 27:5.

24. Bakit namamatay ang tao?

• “Sa pamamagitan ng isang tao, ang kasalanan ay pumasok sa sangkatauhan at dahil sa kasalanan ay pumasok ang kamatayan, kaya naman ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao, dahil silang lahat ay nagkasala.”​—Roma 5:12.

25. Ano ang kalagayan ng mga patay?

• “Alam ng mga buháy na mamamatay sila, pero walang alam ang mga patay.”​—Ecles. 9:5.

26. Ano ang pag-asa ng mga patay?

• “Bubuhaying muli . . . ang mga matuwid at di-matuwid.”​—Gawa 24:15.

27. Ilan ang pupunta sa langit para mamahalang kasama ni Jesus?

• “Nakita ko ang Kordero na nakatayo sa Bundok Sion, at may kasama siyang 144,000 na may pangalan niya at pangalan ng kaniyang Ama na nakasulat sa noo nila.”​—Apoc. 14:1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share