Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 6 p. 20-p. 21 par. 5
  • Walo ang Nakaligtas sa Baha

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Walo ang Nakaligtas sa Baha
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Arka ni Noe
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Ang Malaking Baha
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Nagtayo si Noe ng Daong
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • ‘Iningatan Siyang Ligtas Kasama ng Pitong Iba Pa’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 6 p. 20-p. 21 par. 5
Lumutang ang arka habang tumataas ang tubig dahil sa ulan

ARAL 6

Walo ang Nakaligtas sa Baha

Si Noe, ang kaniyang pamilya, at ang mga hayop ay lumalabas sa arka

Si Noe, ang kaniyang pamilya, at ang mga hayop ay pumasok sa arka. Isinara ni Jehova ang pinto, at nagsimulang umulan. Napakalakas ng ulan kung kaya tumaas ang tubig at lumutang ang arka. Di-nagtagal, umapaw ang tubig sa buong lupa. Namatay ang lahat ng masasamang taong nasa labas ng arka. Pero si Noe at ang kaniyang pamilya ay ligtas sa loob ng arka. Naiisip mo ba kung gaano sila kasaya dahil sumunod sila kay Jehova?

Umulan nang 40 araw at 40 gabi. Nang tumigil ang ulan, unti-unting bumaba ang tubig. Ang arka ay sumadsad sa bundok. Pero medyo mataas pa rin ang tubig, kaya hindi agad nakalabas sina Noe at ang kaniyang pamilya.

Unti-unting natuyo ang tubig. Mahigit isang taon sa loob ng arka sina Noe. Sinabi sa kanila ni Jehova na puwede na silang lumabas. At paglabas nila, parang isang bagong mundo ang nakita nila. Tuwang-tuwa sila kasi iniligtas sila ni Jehova, kaya naghandog sila para pasalamatan siya.

Isang bahaghari, o rainbow

Natuwa si Jehova sa kanilang handog. Nangako siyang hindi na niya wawasakin ang lahat ng bagay sa lupa sa pamamagitan ng baha. Bilang tanda ng pangakong iyan, pinalitaw niya sa langit ang unang bahaghari, o rainbow. Nakakita ka na ba ng bahaghari?

Pagkatapos, inutusan ni Jehova si Noe at ang pamilya nito na magkaanak para dumami ang tao sa lupa.

“Pumasok si Noe sa arka, at hindi . . . nagbigay-pansin [ang mga tao] hanggang sa dumating ang Baha at tinangay silang lahat.”​—Mateo 24:38, 39

Tanong: Ano ang nangyari nang isara ni Jehova ang pinto ng arka? Ano ang maaalaala natin kapag may bahaghari?

Genesis 7:1–9:17

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share