Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 29 p. 74-p. 75 par. 2
  • Pinili ni Jehova si Josue

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinili ni Jehova si Josue
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Naging Pinuno si Josue
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Ang Naalaala ni Josue
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • “Magpakatibay-Loob at Magpakalakas na Mabuti”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Josue
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 29 p. 74-p. 75 par. 2
Buhat ng mga saserdote ang kaban ng tipan patawid sa Ilog Jordan

ARAL 29

Pinili ni Jehova si Josue

Binabasa ni Josue ang Kautusan

Maraming taon nang si Moises ang lider ng bansang Israel, at ngayon ay malapit na siyang mamatay. Sinabi sa kaniya ni Jehova: ‘Hindi ikaw ang magdadala sa mga Israelita papunta sa Lupang Pangako. Pero ipapakita ko sa iyo ang lupain.’ Hiniling ni Moises kay Jehova na pumili ng isang bagong lider para sa bayan. Sinabi ni Jehova sa kaniya: ‘Puntahan mo si Josue, at sabihin mong siya ang pinili ko.’

Sinabi ni Moises sa bayan na malapit na siyang mamatay at na pinili ni Jehova si Josue para manguna sa kanila papasók sa Lupang Pangako. ’Tapos, sinabi ni Moises kay Josue: ‘Huwag kang matakot. Tutulungan ka ni Jehova.’ Di-nagtagal, umakyat si Moises sa Bundok Nebo, at doon ipinakita ni Jehova sa kaniya ang lupaing ipinangako Niya kina Abraham, Isaac, at Jacob. Namatay si Moises sa edad na 120 taon.

Inaatasan ni Moises si Josue sa harap ng mga saserdote at matatandang lalaki

Sinabi ni Jehova kay Josue: ‘Tumawid kayo sa Ilog Jordan, papunta sa Canaan. Tutulungan kita gaya ng pagtulong ko kay Moises. Huwag mong kalilimutang basahin ang aking Kautusan araw-araw. Huwag kang matakot. Maging matapang ka. Sundin mo ang iniutos ko sa iyo.’

Nagpadala si Josue ng dalawang espiya sa lunsod ng Jerico. Sa susunod na kuwento, malalaman natin ang iba pang nangyari doon. Pagbalik nila, sinabi nilang iyon na ang tamang panahon para lusubin ang Canaan. Kinabukasan, pinaghanda ni Josue ang bayan. ’Tapos, pinauna niya sa Ilog Jordan ang mga saserdoteng tagapagdala ng kaban ng tipan. Umaapaw ang ilog. Pero pagtapak ng mga saserdote sa tubig, tumigil sa pag-agos ang ilog, at natuyo ang tubig! Naglakad ang mga saserdote papunta sa gitna ng natuyong ilog at tumigil doon hanggang sa makatawid ang bansang Israel. Sa tingin mo, naalaala kaya nila ang ginawa noon ni Jehova sa Dagat na Pula dahil sa himalang ito?

Sa wakas, pagkatapos ng maraming taon, nakarating din sa Lupang Pangako ang mga Israelita. Makakapagtayo na sila ng mga bahay at mga lunsod. Magkakaroon na sila ng mga bukid, ubasan, at taniman. Napakaraming gatas at pulot-pukyutan (o, honey) sa lupaing iyon.

“Lagi kang papatnubayan ni Jehova, at ibibigay niya ang pangangailangan mo kahit sa tuyot na lupain.”​—Isaias 58:11

Tanong: Sino ang naging lider ng mga Israelita pagkamatay ni Moises? Ano ang nangyari sa Ilog Jordan?

Bilang 27:12-23; Deuteronomio 31:1-8; 34:1-12; Josue 1:1–3:17

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share