Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • th aralin 12 p. 15
  • Mabait at May Empatiya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mabait at May Empatiya
  • Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Kaparehong Materyal
  • Sigla
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Tumatagos sa Puso
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Init at Damdamin
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Pagiging Natural
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
Iba Pa
Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
th aralin 12 p. 15

ARALIN 12

Mabait at May Empatiya

Binanggit na teksto

1 Tesalonica 2:7, 8

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Magsalita nang taimtim at may damdamin, at ipadama sa mga tagapakinig mo na nagmamalasakit ka.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Isipin ang mga tagapakinig mo. Ihanda ang iyong puso; isipin mo ang mga pinagdadaanan nila. Isipin kung ano ang nadarama nila.

  • Piliing mabuti ang mga salitang gagamitin mo. Sikaping gawin itong nakagiginhawa, nakapagpapatibay, at nakapagpapalakas. Iwasang gumamit ng pananalitang makakasakit sa kanila, at huwag magsalita nang negatibo tungkol sa mga di-Saksi o sa mga paniniwalang pinanghahawakan nila.

  • Ipakita mong nagmamalasakit ka. Sa pamamagitan ng mabait na tono ng boses at angkop na pagkumpas, ipadama sa mga tagapakinig mo na talagang nagmamalasakit ka. Maging palaisip sa ekspresyon ng iyong mukha; dalasan mo ang pagngiti.

    Praktikal na tip

    Maging natural sa pagpapakita ng emosyon—hindi pilít o sobra. Lagyan ng damdamin ang pagbabasa at ibagay ito sa binabasa mo, pero huwag hayaang doon lang mapunta ang atensiyon ng tagapakinig. Magsalita sa mabait at maibiging paraan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share