Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • th aralin 18 p. 21
  • May Matututuhan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • May Matututuhan
  • Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Kaparehong Materyal
  • Sigla
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Nakapagtuturo sa Iyong Tagapakinig
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Tumatagos sa Puso
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Ipakita Kung Paano Magagamit sa Buhay
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
Iba Pa
Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
th aralin 18 p. 21

ARALIN 18

May Matututuhan

Binanggit na teksto

1 Corinto 9:19-23

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Pag-isipin ang mga tagapakinig; dapat na madama nilang may mahalaga silang natutuhan.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Isipin kung ano ang alam na ng mga tagapakinig. Sa halip na basta ulitin ang dati na nilang alam, tulungan silang may matutuhang bago sa paksa.

    Praktikal na tip

    Gawing mabilis ang pagtalakay sa pamilyar na mga punto, pero bagalan ang pagtalakay sa bagong mga ideya.

  • Magsaliksik at magbulay-bulay. Kung posible, gumamit din ng di-gaanong pamilyar na mga impormasyon o ng kasalukuyang mga pangyayari sa pagpapaliwanag ng pangunahing mga ideya. Pag-isipang mabuti ang materyal at ang koneksiyon nito sa mga impormasyong gusto mong banggitin.

    Praktikal na tip

    Habang pinag-aaralan mo ang materyal, pag-isipan ang mga tanong na gaya ng ‘ano, bakit, kailan, saan, sino, at paano.’ Gawing buháy ang pagtuturo mo sa pamamagitan ng pagbibigay ng ganoong mga tanong at pagsagot sa mga iyon sa buong pahayag mo.

  • Ipakitang makakatulong ang mensahe mo. Ipaliwanag kung paano makakatulong sa pang-araw-araw na buhay ng mga tagapakinig mo ang tatalakayin mong mga punto sa Kasulatan. Tumalakay ng espesipikong mga sitwasyon na nararanasan o ikinababahala ng mga tagapakinig mo at mga saloobin at paggawi na karaniwan sa kanila.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share