Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Algum”
  • Algum

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Algum
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Almug
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Hiram
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Opir
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Hiram-abi
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Algum”

ALGUM

[sa Heb., ʼal·gum·mimʹ (2Cr 2:8; 9:10, 11); ʼal·mug·gimʹ (1Ha 10:11, 12)].

Isang punungkahoy na kasama sa mga kahoy na hiniling ni Solomon kay Hiram ng Tiro upang magamit bilang tabla para sa pagtatayo ng templo at sa paggawa ng mga hagdan at mga suhay gayundin ng mga alpa at mga panugtog na de-kuwerdas.

Hindi matukoy nang tiyakan kung anong uri ng punungkahoy ang puno ng algum sa ulat na ito. Karaniwang ipinapalagay na ito ay red sandalwood (Pterocarpus santalinus) na matatagpuan ngayon sa India at Sri Lanka, bagaman sinasabi ng ilan na ito ay white sandalwood (Santalum album), maaaring dahil sa sinabi ni Josephus na ito ay maputi. (Jewish Antiquities, VIII, 177 [vii, 1]) Ang red sandalwood ay tumataas nang mga 7.5 hanggang 9 na m (25 hanggang 30 piye) at may kahoy na matigas, pino ang hilatsa, kayumangging mamula-mula, at napakikintab nang husto. Sinasabing angkop ito sa paggawa ng mga panugtog na gaya niyaong binabanggit sa ulat ng Bibliya. Ang kahoy na ito ay mabango at hindi madaling masira ng mga insekto.

Ang red sandalwood ay hindi tumutubo sa Lebanon sa ngayon. Gayunman, hindi binabanggit sa rekord kung ang mga puno ng “algum” ay katutubo sa Lebanon o hindi. Gayunpaman, nang maglaon ay minabuti ni Hiram na dalhin ang mga iyon mula sa Opir, ngunit maaaring maging sa Opir ay inangkat lamang ang mga tablang ito mula sa ibang lugar, yamang nasa posisyon ang Opir upang magsilbing sentro ng kalakalan na nakikipag-ugnayan sa India, Ehipto, at sa iba pang mga lugar sa Aprika. (1Ha 10:11, 22) Ang kahoy na dinala ni Hiram ay bibihira at mahalaga, anupat ipinahihiwatig ito ng pananalitang “wala pang dumating na mga tabla ng mga puno ng algum ni may nakita mang tulad nito hanggang sa araw na ito.”​—1Ha 10:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share