ALMON-DIBLATAIM
Isang lugar na nasa pagitan ng Dibon-gad at ng kabundukan ng Abarim kung saan nagkampo ang mga Israelita noong ika-40 taon pagkalabas nila mula sa Ehipto (1473 B.C.E.). Ito ang isa sa mga huling kampamento nila noong panahon ng kanilang pagpapagala-gala sa ilang. (Bil 33:46, 47) Hindi matiyak ang lokasyon nito, ngunit iniuugnay ito ng ilang iskolar sa Khirbet Deleilat esh-Sherqiyeh, mga 16 na km (10 mi) sa HHS ng Dibon (Dhiban). Posibleng ito rin ang Bet-diblataim.—Jer 48:22.