Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Amarias”
  • Amarias

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Amarias
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Ahitub
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Meraiot
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Azarias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Maaseias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Amarias”

AMARIAS

[Si Jehova ay Nagsabi].

1. Isang saserdoteng inapo ng anak ni Aaron na si Eleazar sa pamamagitan ni Pinehas; anak ni Meraiot; ama ni Ahitub; lolo ni Zadok na naglingkod bilang pangalawahing saserdote noong panahon ng paghahari ni David at bilang mataas na saserdote noong panahon ng paghahari ni Solomon. (1Cr 6:7, 52) Hindi matiyak kung nanungkulan si Amarias bilang mataas na saserdote, yamang ang katungkulang iyon ay pansamantalang napunta sa sambahayan ni Eli noong mga panahong iyon.

2. Isang Levitang inapo ng anak ni Kohat na si Hebron, nakatalang kabilang sa mga inatasan ni David noong muli niyang organisahin ang paglilingkod sa templo.​—1Cr 23:1, 12, 19; 24:23.

3. Punong saserdote “para sa bawat bagay ni Jehova,” lalo na hinggil sa mga usapin sa batas, noong panahon ng paghahari ni Jehosapat.​—2Cr 19:11.

4. Isa pang inapo ni Eleazar na nabuhay nang mas huli kaysa sa Amarias na tinutukoy sa Blg. 1. Anak ni Azarias at ama ng isa pang Ahitub.​—1Cr 6:11; Ezr 7:3.

5. Isang Levita na tumulong sa pamamahagi ng mga ikapu sa mga saserdote sa kanilang mga lunsod noong panahon ng paghahari ni Hezekias.​—2Cr 31:14, 15.

6. Anak ni Hezekias (malamang na ang hari ng Juda) at lolo sa tuhod ng propetang si Zefanias.​—Zef 1:1.

7. Isa sa mga pangunahing saserdote na bumalik mula sa Babilonya kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E. (Ne 12:1, 2, 7) Noong mga araw ni Gobernador Nehemias ay may isang makasaserdoteng “sambahayan sa panig ng ama” na tinatawag sa pangalan niya.​—Ne 12:12, 13, 26.

8. Isang inapo ni Binui; isa sa mga nagpaalis sa kanilang mga asawang pagano at mga anak noong mga araw ni Ezra.​—Ezr 10:10-12, 38, 42, 44.

9. Isang saserdote, o ang ninuno ng isang saserdote, na nagpatotoo sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” noong panahong si Nehemias ang gobernador. (Ne 9:38; 10:1, 3) Mahigit na siya sa 112 taóng gulang kung siya rin ang tinutukoy sa Blg. 7.

10. Ninuno ng mga tumatahan sa Jerusalem noong panahon ni Nehemias; mula sa tribo ni Juda.​—Ne 11:4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share