AMINADAB
[Ang Aking Bayan ay Nakahanda (Marangal; Bukas-palad)].
1. Isang anak ni Ram na mula sa pamilya ni Hezron sa tribo ni Juda. (1Cr 2:10) Ang kaniyang anak na si Nason ay pinuno ng Juda noong panahon ng paglalakbay sa ilang. (Bil 1:7; 7:11, 12) Ang kaniyang anak na babae na si Elisheba ay naging asawa ni Aaron. (Exo 6:23) Si Aminadab ay isang ninuno ni Haring David at ni Kristo Jesus.—Ru 4:19-22; Mat 1:4-16; Luc 3:23-33.
2. Marahil ay isa pang pangalan ni Izhar, na isang anak ni Kohat at ama ni Kora. (1Cr 6:22; ihambing ang tal 2, 18, 37, 38; Exo 6:18, 21; Bil 3:19, 27.) Ang ilang kopya ng Griegong Septuagint ay kababasahan ng “Izhar” sa halip na “Aminadab” sa 1 Cronica 6:22 (6:7, LXX).
3. Isang Levita, mula sa mga anak ni Uziel; isang ulo ng pamilya noong panahon ni David. Tumulong siya sa pagdadala ng kaban ng tipan sa Jerusalem.—1Cr 15:10-12.