ANAN [posible, Ulap]. Isa sa mga ulo ng bayan ng Israel. Ang kaniyang kinatawan, kung hindi man siya mismo, kasama si Nehemias at ang iba pa, ay nagtatak sa resolusyon ng bansa na maglingkod kay Jehova nang may katapatan (455 B.C.E.).—Ne 10:1, 26.