ARIMATEA
[mula sa Heb., nangangahulugang “Kaitaasan”].
“Isang lunsod ng mga Judeano” noong panahon ni Jesus, at ang tinubuang lunsod ni Jose, ang lihim na alagad na kumuha sa bangkay ni Jesus upang mailibing ito. (Luc 23:50-53; Mat 27:57-60; Mar 15:43-46; Ju 19:38-42) Karaniwang ipinapalagay na ang lokasyon ng Arimatea ay ang lugar ng makabagong Rentis (Rantis), mga 35 km (22 mi) sa HK ng Jerusalem at mga 26 na km (16 na mi) sa S ng Jope (makabagong Tel Aviv-Yafo).