ARVADITA
[Ng (Mula sa) Arvad].
Isang miyembro ng pamilya na nagmula kay Ham sa pamamagitan ni Canaan at maliwanag na nananahanan sa Arvad, isang pulo na di-kalayuan sa hilagang baybayin ng Sirya. (Gen 10:6, 15, 18; 1Cr 1:16) Ang tanging iba pang pagbanggit sa kanila ay nang tukuyin ni Ezekiel ang mga Arvadita bilang mga dalubhasang magdaragat at magigiting na kawal para sa Tiro.—Eze 27:8, 11.