ASRIEL
Isang inapong lalaki ni Manases, na naging ulo ng pamilya ng mga Asrielita. Ipinakikita sa Bilang 26:29-31 na siya ay apo sa tuhod ni Manases sa pamamagitan ni Makir at ng anak nitong si Gilead. Ayon sa 1 Cronica 7:14, si Asriel ay anak ni Manases na isinilang sa kaniya ng kaniyang Siryanong babae. Gayunman, isang bahagi ng kasunod na pananalita na waring nagbigay ng karagdagang impormasyon ang kababasahan: “Ipinanganak nito si Makir na ama ni Gilead.” Samakatuwid, gaya ng pangkaraniwan sa mga talaangkanan sa Bibliya, si Asriel ay maaaring tawagin dito na “anak” ni Manases sa diwa na si Asriel ay isa sa kaniyang mga inapo (sa pamamagitan ni Makir, ang anak ni Manases sa kaniyang Siryanong babae). Ngunit posible rin na talagang nagkaroon si Manases ng isang tunay na anak at isang apo sa tuhod na magkapangalan. Ang “mga anak ni Asriel” ay kabilang sa mga inapo ni Manases na tinakdaan ni Josue ng teritoryo sa Lupang Pangako.—Jos 17:1-4.