Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Baal-berit”
  • Baal-berit

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Baal-berit
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • El-berit
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Gaal
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Sikem
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Abimelec
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Baal-berit”

BAAL-BERIT

[May-ari ng Isang Tipan; minsang lumitaw sa Huk 9:46 bilang El-berit, Diyos ng Isang Tipan].

Ang Baal ng Sikem, na sinimulang sambahin ng mga Israelita pagkamatay ni Hukom Gideon. (Huk 8:33) Maaaring ipinahihiwatig ng katawagang “Baal-berit” na ang partikular na Baal na ito ay pinaniniwalaang nagbabantay sa pagtupad sa mga tipan.

Maliwanag na ang bahay o templo ni Baal-berit sa Sikem ay may karugtong na isang silid na nagsisilbing ingatang-yaman. (Huk 9:4) Kapag panahon ng pag-aani ng ubas, lumilitaw na nagdaraos ang mga Sikemita ng isang kapistahan bilang parangal kay Baal-berit, na nagtatapos sa isang salu-salo ukol sa paghahain sa templo ng kanilang diyos. Sa loob ng templo ni Baal-berit, samantalang magkakasamang kumakain at umiinom at isinusumpa si Abimelec, malamang na sa ilalim ng impluwensiya ng alak, sinulsulan ni Gaal ang mga Sikemita na maghimagsik laban kay Haring Abimelec. (Huk 9:27-29) Nang maglaon, nang pagbantaan ni Abimelec ang mga may-ari ng lupain sa tore ng Sikem (Migdal-Sikem, AT), nanganlong sila sa kuta ng bahay ni El-berit (Baal-berit), ngunit namatay sila sa sunog nang silaban ni Abimelec at ng kaniyang mga tauhan ang kuta.​—Huk 9:46-49.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share