BARTOLOME
[Anak ni Tolmai].
Isa sa 12 apostol ni Jesus, karaniwang ipinapalagay na si Natanael. Kung paghahambingin ang mga ulat ng Ebanghelyo, mapapansin na pinag-uugnay ni Mateo at ni Lucas sina Bartolome at Felipe, gaya rin ng pag-uugnay ni Juan sa pangalang Natanael kay Felipe. (Mat 10:3; Luc 6:14; Ju 1:45, 46) Para sa mga detalye ng gawain ng apostol na ito, tingnan ang NATANAEL.