Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Baruc”
  • Baruc

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Baruc
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Si Baruc—Ang Tapat na Kalihim ni Jeremias
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Huwag Humanap ng “mga Dakilang Bagay Para sa Iyong Sarili”
    Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias
  • Patibayin ang Pagkakaibigan Bago Dumating ang Wakas
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • Binabantayan Tayo ni Jehova Para sa Ating Ikabubuti
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Baruc”

BARUC

[Pinagpala].

1. Ang eskribang kalihim ni Jeremias. Si Baruc ay anak ni Nerias at kapatid ni Seraias, ang pinunong tagapangasiwa ni Zedekias na bumasa ng balumbon ni Jeremias sa tabi ng Eufrates.​—Jer 32:12; 51:59-64.

Noong ikaapat na taon ni Haring Jehoiakim, 625 B.C.E., sinimulang isulat ni Baruc sa isang balumbon ang makahulang mensahe hinggil sa kapahamakan ng Jerusalem, na idinikta ni Jeremias. Sa pagtatapos ng taglagas ng sumunod na taon, 624 B.C.E., binasa ni Baruc nang malakas ang balumbon “sa pandinig ng buong bayan” sa may pasukan ng bahay ni Jehova. Pagkatapos ay ipinatawag siya upang basahin iyon sa isang kapulungan ng mga prinsipe, at palibhasa’y naantig sila sa kanilang narinig at natakot sa mangyayari kapag ang salita ay nakarating sa pandinig ng hari, hinimok nila sina Baruc at Jeremias na magtago. Nang basahin kay Jehoiakim ang balumbong naglalaman ng pagtuligsa, sinunog niya ito nang pira-piraso at iniutos na dalhin sa harap niya sina Baruc at Jeremias, “ngunit iningatan silang nakakubli ni Jehova.” Sa muling pagdidikta ni Jeremias, sumulat si Baruc ng isa pang balumbon na katulad ng una, ngunit naglalaman ng ‘mas marami pang salita’ mula sa bibig ni Jehova.​—Jer 36:1-32.

Pagkaraan ng 16 na taon, noong ikasampung taon ni Zedekias, ilang buwan na lamang bago samsaman ang Jerusalem, kinuha ni Baruc ang mga kasulatan ng ari-arian na binili ni Jeremias mula sa isang pinsan nito at inilagay ang mga iyon sa isang sisidlang luwad upang ingatan at itago.​—Jer 32:1, 9-16.

Noong isang pagkakataon habang isinusulat ang unang balumbon, dumaing si Baruc dahil sa kaniyang panghihimagod, ngunit binabalaan siya ni Jehova: ‘Huwag kang patuloy na humanap ng mga dakilang bagay para sa iyong sarili.’ Gayunman, dahil sa kaniyang katapatan, pinangakuan siya na siya ay iingatan at ililigtas ‘sa lahat ng dako na kaniyang paroroonan.’ Natupad ito hindi lamang noong panahon ng kahila-hilakbot na pagkubkob sa Jerusalem kundi maging pagkatapos nito nang sila ni Jeremias ay pilitin ng mapaghimagsik na taong-bayan na bumabang kasama ng mga ito sa Ehipto.​—Jer 45:1-5; 43:4-7.

2. Anak ni Zabai; si Baruc ay “gumawa nang buong sigasig” upang tulungan si Nehemias sa muling pagtatayo ng mga pader ng Jerusalem. (Ne 3:20) Posibleng siya rin ang Blg. 3.

3. Isang saserdote na ang inapo, kung hindi man siya mismo, ay nagpatotoo sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” ni Nehemias. (Ne 9:38; 10:1, 6, 8) Kung si Baruc mismo ang nagtatak sa kasunduang ito, maaaring siya rin ang Blg. 2.

4. Ama o ninuno ni Maaseias na naninirahan sa Jerusalem noong panahon ni Nehemias. Isang inapo ni Juda.​—Ne 11:4-6.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share