BASEMAT
[Pinabanguhan; Langis ng Balsamo; Bango ng Espesya].
1. Asawa ni Esau. Siya ay anak ni Elon na Hiteo, sa gayo’y maaaring siya mismo si Ada o ang kapatid nito. Si Basemat ay naging “sanhi ng kapaitan” kay Isaac at kay Rebeka.—Gen 26:34, 35; 27:46; 28:8; 36:2.
2. Isa pang asawa ni Esau; posibleng siya rin si Mahalat. Siya ay anak ng anak ni Abraham na si Ismael at kapatid na babae ni Nebaiot, sa gayo’y pinsang buo ni Esau. Kinuha siya ni Esau bilang asawa nang lubhang mayamot ang kaniyang ama dahil sa mga asawa niyang Canaanita. Naging anak ni Basemat kay Esau si Reuel.—Gen 28:8, 9; 36:3, 4, 10.
3. Anak ni Solomon at asawa ni Ahimaas na isa sa mga kinatawan ni Solomon para sa paglalaan ng pagkain.—1Ha 4:7, 15.