BET-ARABA
[Bahay ng Disyertong Kapatagan].
Isa sa anim na lunsod na nasa loob ng teritoryo ng Juda at inilarawan bilang nasa “ilang.” (Jos 15:61) Binanggit ito noong ilarawan ang mga hangganan sa pagitan ng mga tribo nina Benjamin at Juda. (Jos 15:6) Bagaman nakatala itong kabilang sa nasasakupan ng tribo ni Juda, nang maglaon ay tinukoy ito bilang nakaatas sa Benjamin, na marahil ay nagpapahiwatig na ang lugar na ito ay isang nakapaloob na lunsod ng mga Benjamita. (Jos 18:21, 22) Ang pangalan ng lugar ay mababanaag sa ʽAin el-Gharabah, isang bukal sa H panig ng Wadi el Qilt na mga 6 na km (3.5 mi) sa STS ng Jerico. Kung pagbabatayan ang lokasyong iyan, mangangahulugan ito na ang lugar ay nasa disyertong rehiyon sa H dulo ng Dagat na Patay.