BET-BARA
[Bahay ni Bara].
Nang tinutugis ng mga hukbo ni Gideon ang tumatakas na mga Midianita, nagpasabi si Gideon sa mga lalaki ng Efraim na bihagin “ang tubig hanggang sa Bet-bara at ang Jordan” (Huk 7:24), maliwanag na upang hindi makatawid sa Jordan ang kaaway. Yamang ang pagbabaka ay nangyari sa Mababang Kapatagan ng Jezreel (Huk 6:33), ipinahihiwatig nito na ang lugar ay nasa K ng Jordan. Hindi alam ang lokasyon nito, ngunit ipinapalagay na ito ay nasa pagitan ng Wadi Farʽah at ng Jordan. Gumamit si Ehud ng gayunding taktika sa pakikipaglaban sa mga Moabita nang ‘bihagin nila ang mga tawiran ng Jordan laban sa mga Moabita.’—Huk 3:27, 28.