BILEAM
[posible, Isa na Lumalamon].
Isang bayang nakaatas sa mga Levita na mula sa pamilya ni Kohat. Ibinigay ito sa kanila mula sa teritoryo ng kalahati ng tribo ni Manases na nasa K ng Ilog Jordan. (1Cr 6:70; LXX, “Ieblaam”) Hindi kabilang ang Bileam sa talaan ng mga lunsod ng mga Levita sa Josue 21:11-39. Gayunman, maraming iskolar ang naniniwala na dahil sa isang pagkakamali ng eskriba kung kaya naulit ang Gat-rimon sa talata 25 kapalit ng Bileam. Waring ang Bileam ay ibang baybay ng Ibleam, anupat ang huling nabanggit ang mas malimit gamitin.