BIRZAIT
Isang pangalan sa talaangkanan ni Aser sa pamilya ni Malkiel. (1Cr 7:30, 31) Dahil ang Birzait ang tanging pangalan sa mga nakatala sa 1 Cronica 7:30, 31 na hindi matatagpuan sa katulad na rekord ng talaangkanan sa Genesis 46:17, itinuturing ng ilan na ang Birzait ay tumutukoy sa isang dako na sa kapaligiran nito namayan ang mga inapo ni Malkiel, o inaakala nila na isa itong lugar kung saan si Malkiel ang isang pangunahing tumatahan, kung paanong si Sobal ang tinutukoy na ‘ama ng Kiriat-jearim’ at si Salma ang ‘ama ng Betlehem.’ (1Cr 2:51, 52) Palibhasa’y ipinapalagay na ang Birzait ay pangalan ng isang lugar, iniuugnay ito ng ilan sa Birzeit, mga 21 km (13 mi) sa HHK ng Jerusalem; ngunit, sa kabila ng pagkakahawig ng mga pangalan, ang lokasyon ng Birzeit malapit sa timugang hanggahan ng Efraim (sa halip na sa teritoryo ng Aser) ay hindi sumusuporta sa gayong pag-uugnay.