BIZIOTIAS
Isa sa mga bayan sa mana ng tribo ni Juda sa rehiyon ng Negeb. Nakatala ito kasunod ng Beer-sheba. (Jos 15:21, 28) Hindi alam kung saan ang lokasyon nito. Sa Griegong Septuagint, “kanilang mga nayon” ang mababasa sa halip na ang pangalang pantangi na Biziotias.—Ihambing ang Ne 11:27.