BRASERO
Karaniwan na, isang kasangkapang pampainit na binubuo ng isang tulad-kawaling lalagyan na nakaangat sa sahig sa pamamagitan ng mga paa nito at dinisenyong paglagyan ng nagbabagang uling. Ang salitang Hebreo na isinalin bilang “brasero” (ʼach) ay may Ehipsiyong pinagmulan, anupat nagpapahiwatig na ang brasero mismo ay isang bagong imbensiyong nagmula noon sa Ehipto.
Sa mas magagandang tahanan noon, waring mas nagugustuhan ang brasero kaysa sa isang hukay sa sahig ng bahay, kung saan makapagpapaningas ng apoy. Sa kaniyang bahay na pantaglamig, si Haring Jehoiakim ay may isang brasero, malamang na gawa sa metal.—Jer 36:22, 23.