Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Kios”
  • Kios

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kios
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Samos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mitilene
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Malaking Dagat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Cos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Kios”

KIOS

Isa sa malalaking pulo sa Dagat Aegeano na nakahiwalay sa K baybayin ng Asia Minor sa pamamagitan ng isang kipot na may lapad na 8 km (5 mi) o higit pa. Ang pulo (mula H hanggang T) ay may habang mga 50 km (30 mi) at ang lapad nito (mula S hanggang K) ay nag-iiba-iba mula 13 hanggang 29 na km (8 hanggang 18 mi).

Binanggit ang Kios sa ulat ng Gawa 20 tungkol sa paglalakbay ni Pablo pabalik sa Jerusalem nang papatapos na ang kaniyang ikatlong paglalakbay bilang misyonero, noong mga 56 C.E. Ang barkong sinasakyan ni Pablo ay naglayag mula sa Mitilene (Gaw 20:14) mga 100 km (60 mi) sa dakong HS, malamang noong umaga, at ‘nakarating sa tapat ng Kios’ (Gaw 20:15), malamang ay pagkalubog ng araw. Kinabukasan, nagpatuloy ang paglalakbay hanggang sa Samos, na mga 100 km (60 mi) pa ang layo.

Noong panahong naglalakbay si Pablo, ang Kios ay itinuturing na isang malayang estadong-lunsod ng Romanong probinsiya ng Asia. Napanatili nito ang katayuang ito hanggang sa pamamahala ni Emperador Vespasian (69-79 C.E.). Sa ngayon, kapuwa ang pulo at ang pangunahing lunsod nito ay tinatawag ng mga Griego na Khios at Scio naman ang tawag dito ng mga Italyano.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share