Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Kristal”
  • Kristal

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kristal
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Kabataang May “Lakas na Higit sa Karaniwan”
    Gumising!—1994
  • Ang Magagandang Kristal na Iyon ng Kofu
    Gumising!—1990
  • Kakaibang Uri ng Paghahanap ng Kayamanan
    Gumising!—1993
  • Jaspe
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Kristal”

KRISTAL

Ayon sa pagkakagamit sa Bibliya, ang kristal ay tumutukoy sa isang mineral na malinaw at tinatagos ng liwanag, malamang ay ang uri ng kwarts na tinatawag ngayon na batong kristal. Ang batong kristal ay purong anyo ng kwarts na binubuo ng silikon at oksiheno. Matatagpuan ito sa halos lahat ng uri ng bato sa karaniwang anyo nito na anim ang gilid. Ito’y walang kulay, malinaw, at malasalamin ang hitsura. Mas matigas ang batong kristal kaysa sa ibang karaniwang mineral, at kung minsa’y tinatabas ito at ginagawang mga batong hiyas.

Mahihiwatigan ang halaga ng “batong kristal” (sa Heb., ga·vishʹ; sa Ingles, rock crystal) noong mga araw ni Job dahil tinukoy niya ito kasama ng korales at mga perlas, gayunma’y itinuring niyang mas mababa ang halaga ng lahat ng ito kaysa sa karunungan. (Job 28:18) Ginagamit ng Apocalipsis ang malinaw at maningning na purong kristal (sa Gr., kryʹstal·los) upang ilarawan ang “isang malasalaming dagat na tulad ng kristal,” ang kaningningan ng banal na lunsod, ng Bagong Jerusalem, na gaya ng “batong jaspe na kumikinang na sinlinaw ng kristal,” at ang “isang ilog ng tubig ng buhay, malinaw na gaya ng kristal.”​—Apo 4:6; 21:11; 22:1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share