Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Cut, Cuta”
  • Cut, Cuta

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Cut, Cuta
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • NERGAL
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Samaritano
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Pagkatapon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Cut, Cuta”

CUT, CUTA

Ang “Cut” at “Cuta” ay kapuwa tumutukoy sa iisang orihinal na tahanan ng isang bayan na inilipat ng hari ng Asirya sa mga lunsod ng Samaria pagkatapos ng pagkatapon ng Israel noong 740 B.C.E. (2Ha 17:23, 24, 30) Gayunman, ang mga itinapon mula sa Cuta at sa iba pang mga lugar ay sinalot ng mga leong pumapatay ng tao at, nang humingi sila ng saklolo sa hari ng Asirya, binigyan sila ng isang saserdote na dating mula sa hilagang kaharian ng Israel. Yamang ang pagsambang isinasagawa sa Israel ay matagal nang di-sinasang-ayunan ng Diyos (1Ha 13:33, 34; 16:31-33), ang mga paglilingkod ng saserdoteng ito ay nabigong magbunga ng mga tunay na mananamba ni Jehova, kung kaya ang mga miyembro ng kolonya ay naging “mga mananamba ng kani-kanilang mga diyos,” anupat yaong mga mula sa Cuta ay patuloy na naglingkod sa kanilang diyos na si Nergal. Ang lahing nabuo dahil sa pakikipag-asawa ng ‘mga tao ng Cuta’ at ng iba pang mga bansa sa nalalabing mga Israelita ay tinawag na “Samaritano” sa pangkalahatan. Ayon kay Josephus, ang mga ito ay “tinawag na Chuthaioi (Cuthim) sa wikang Hebreo, at Samareitai (mga Samaritano) ng mga Griego.” (Jewish Antiquities, IX, 290 [xiv, 3]) Lumilitaw na ginamit ang katawagang “Cuthim” dahil sa nangingibabaw ang mga taong mula sa Cuta sa orihinal na mga nakipamayan.​—2Ha 17:24-41.

Ang pagkatuklas sa mga tapyas ng kontrata sa Tell Ibrahim (Imam Ibrahim), mga 50 km (30 mi) sa HS ng Babilonya, na nagtataglay ng pangalang Kutu (ang katumbas sa Akkadiano ng Cut), ay umakay sa karamihan sa mga heograpo na iugnay ang Tell Ibrahim sa Cuta ng Bibliya. May mga pahiwatig na ang Cuta ay kabilang noon sa mas mahahalagang lunsod sa Imperyo ng Babilonya at malamang na malawak din ito, yamang ang gulod na palatandaan nito sa ngayon ay mga 18 m (60 piye) ang taas at 3 km (2 mi) ang sirkumperensiya. Ang pinaniniwalaang dating kinaroroonan ng isang sinaunang templo na inialay kay Nergal ay itinuturong nasa gitna ng mga guhong ito alinsunod sa pananalita ng Bibliya na “ang mga lalaki ng Cut” ay mga deboto ng diyos na iyon.​—2Ha 17:29, 30.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share