Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Dalmacia”
  • Dalmacia

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dalmacia
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Ilirico
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Tito
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Tito—“Isang Kamanggagawa Para sa Inyong Kapakanan”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Ilirico
    Glosari
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Dalmacia”

DALMACIA

Isang lugar sa bulubunduking rehiyon sa S ng Dagat Adriatico sa Balkan Peninsula. Ang pangalang ito ay ginamit upang tumukoy sa pinakatimugang bahagi ng Romanong probinsiya ng Ilirico. Noong mga taon pagkaraan ng 9 C.E., nang maging isang hiwalay na probinsiya ang lugar na ito, ang Dalmacia ay madalas gamitin upang tumukoy sa Ilirico at nang maglaon ay tinawag na Dalmacia ang bagong probinsiya mismo. Ang kasamahan ni Pablo na si Tito ay nagtungo sa Dalmacia ilang panahon bago ang pagpatay sa apostol, ipinapalagay na noong mga 65 C.E. (2Ti 4:6-10) Sa mismong talata kung saan sinasabing “pinabayaan” ni Demas si Pablo ay binabanggit na pumunta si Tito sa Dalmacia. Ngunit kahit hindi tiyakang sinabi kung ano ang pakay ni Tito sa Dalmacia, waring sinang-ayunan ni Pablo ang pag-alis niya. Yamang sinabi ni Pablo, noong malapit nang matapos ang kaniyang ikatlong paglalakbay bilang misyonero mga siyam na taon bago nito, na ang kaniyang sirkito ay umabot hanggang sa H sa Ilirico (Ro 15:19), ipinapalagay ng ilang iskolar na isinugo noon si Tito sa rehiyong iyon upang isaayos ang mga gawain ng kongregasyon doon at makibahagi sa gawaing pagmimisyonero. Kung gayon nga, gagampanan niya ang isang tungkulin na katulad ng ginawa niya sa Creta. (Tit 1:5) Sa liham ni Pablo kay Tito, hiniling niya kay Tito na umalis sa Creta (Tit 3:12), at malamang na si Tito ay kasama ng apostol hanggang noong atasan siya sa Dalmacia.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share