DAN-JAAN
Isang lugar na minsan lamang binanggit sa Kasulatan. Ito ay nasa rutang tinahak ni Joab noong kinukuha niya ang sensus na ipinag-utos ni David. (2Sa 24:1-6) Batay sa ibinigay na paglalarawan, waring ito ay nasa pinakadulong H ng Israel, yamang binanggit na sila’y “nagpatuloy hanggang sa Dan-jaan at lumibot hanggang sa Sidon.” Ipinaaalaala ng pagkakabanggit sa Beer-sheba sa sumunod na talata (2Sa 24:7) ang karaniwang pananalitang “mula sa Beer-sheba hanggang sa Dan,” na ginamit ni David nang tagubilinan niya si Joab tungkol sa sensus. (1Cr 21:2) Dahil dito, ang Dan-jaan ay maaaring tumutukoy sa lunsod ng Dan o sa isang karatig-pook ng lunsod na iyon sa hilaga.—Ihambing ang Huk 18:28, 29, kung saan magkasama ring binanggit ang Dan at Sidon; tingnan din ang DAN Blg. 3.